Natupad ang isa sa matagal ng pangarap: PAOLO, nahirapang mag-English habang nanginginig sa sobrang lamig
- Published on September 11, 2025
- by @peoplesbalita
Sa Prague na pinakamalaking siyudad at capital ng Czech Republic sila nag-shoot ng malaking bahagi ng pelikulang “Spring In Prague” kung saan siya bida.
“Una sa lahat, sobrang dream come true kasi tagal ko na talagang pinangarap na makagawa ng pelikula sa ibang bansa,” pahayag ni Paolo.
“Pero siguro ang masasabi ko is sobrang lamig, ang hirap pala mag-English ng dire-diretso ng malamig, nanginginig yung lahat ng parte sa katawan mo, ang hirap mag-English, mahirap yun. Ha! Ha! Ha!
“Pero it was a great experience and it was an honor working with Sara and siyempre sila direk Lester and everyone on the team, si Atty. Sa lahat ng mga cast, congrats po sa inyo and iyon, it was a wonderful experience.”
Leading lady sa pelikula ang Czech actress na si Sara Sandeva at ang direktor naman nila ay Lester Dimaranan.
Prinodyus ito ng Borracho Films ng executive producer na si Atty. Ferdinand Topacio.
Ipalalabas ang pelikula bago matapos ang taong 2025.
Ano ang eksena sa “Spring In Prague” ang pinaka-memorable para sa kanya?
“Siguro yung eksena na nag-aaway kami ni Sara.
“We were shooting ano yun, minus 10 degrees, so away tapos ang hirap itago e, kasi everytime nangyayari, okay on the set, lahat kami balot na balot kami, naka-comforter kami, nanginginig kami, tapos ‘action’, biglang straight ang kilos, parang it’s tricky to maneuver around like learning… like having to work with the weather.
“And siyempre sa mga equipment pa natin, kailangan ingatan, so ayun, iyon yung pinaka-memorable sa akin, yung minus 10 degrees.”
Kumusta si Sara bilang leading lady?
“Sarap katrabaho! Kasi isa sa pinaka na-appreciate ko sa pag kunwari meron mga katrabahong artista is yung pagiging collaborative nila and si Sara, every time, every scene, you know, we would sit through it, we would throw lines.
“Hindi mo na kailangan na alam mo yun, yung pipilitin mo pa, and you just ask her and, ‘Yeah let’s go!’
“And every time na nag-throw lines kami, talagang 100% siya, bigay na bigay siya sa mga eksena.
“That’s one of the traits about her na na-appreciate ko. “Aside from that, yun nga, yung professionalism, di ba, making sure she’s prepared before siya dumating sa set, so pagdating sa set, 100% prepared na.”
Katatapos lang mapanood si Paolo sa sexy stageplay na “Walong Libong Piso” ng BenTria Productions sa direksyon ni Dante Balboa.
(ROMMEL L. GONZALES)