Natuklasan daw na may bagong babae ang aktor: Totoong dahilan ng paghihiwalay nina DEREK at ELLEN, ‘di pa mapatunayan
- Published on October 16, 2025
- by @peoplesbalita
SA kabila ng parehong pagdi-deny nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na hindi sila totoong hiwalay ay ayaw pa rin silang tantanan.
Patuloy pa ring ikinakalat ng netizens na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong.
Sa katunayan ay nakikita nang lumalabas mag-isa si Ellen kasama ang ilang friends. Bumalik na raw sa dating gawi si Ellen na malakas lumaklak ng alak.
Kaya umano tinabangan itong si Ellen sa relasyon nila ni Derek ay maliban sa boring na kasama ay natuklasan raw nito na may bagong babae si Derek, na labis na ikinagalit ni Ellen.
Pero puro hearsay lang naman ang lahat ng ito at hindi naman napatutunayan kung totoo o fake news?
Ang latest, ay namataan kamakailan sa NAIA si Ellen, na bitbit ang isang maleta at bibiyaheng mag-isa going to her hometown in Cebu.
Baka naman magbabakasyon lang ito sa Cebu? Saka nasaan na ang mga anak na sina Elias at Baby Liana na daughter nila ni Derek. Baka naiwan muna kay Derek? Well, sana kung totoong may isyu sa dalawa at may kinahaharap silang problema sa kanilang relasyon ay magkaayos pa rin sila for the sake of their kids.
***
‘Spring in Prague’, entry ng Pilipinas sa Asian Film Festival Sa Prague
DAHIL na-inspire sa ganda ng Prague, Czech Republic ang dating Pangulo ng Pilipinas na ngayo’y kongresista na si Gloria Macapagal-Arroyo, nabuo ang iconic lawyer-producer na si Atty. Ferdinand Topacio under his Borracho Films.
Ang international movie na ‘Spring in Prague’ na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at sikat na Czech actress na si Sara Sandeva.
Well, nagkasama kasi sa bakasyon nila sa Prague si Atty. Topacio at mag-asawa na sina Cong. Arroyo at former First Gentleman Mike Arroyo. Kaya na-inlove sila sa napuntahan nilang mga tourist spot sa Prague.
Samantala last September, ay dumalo sa Asian Film Festival ang female lead star ng movie. At dumalo rin sa naturang film festival si Philippine Ambassador to the Czech Republic Eduardo R. Meñez at Ging Omaga Diaz na Philippine Embassy Chargé d’Affaires.
Bukod kina Paolo at Sara kasama rin sa movie sina Ynah Zimmerman, Tori Topacio, veteran comedian Che Lejano at ilang magagaling na foreign actors.
Ang ‘Spring in Prague’ ay dinirek ni Lester Dimaranan. Samantalang si Jesy Vidal, na talent ng Borracho ang kumanta ng theme song ng movie.
(PETER S. LEDESMA)