NATIONWIDE ANTI-DRUG OPERATIONS NG PDEA, NAKAKUMPISKA NG ₱1.16-B NA HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA
- Published on September 10, 2025
- by @peoplesbalita

Ang PDEA, katuwang ang iba pang law enforcement agencies, ay nagsagawa ng kabuuang 48 buy-busts, marijuana eradications operations, interdictions, warrants of arrest at raids na humantong sa pagkakaaresto sa 101 drug personalities na binubuo ng 36 na tulak, 24 na bisita sa drug den, pitong empleyado ng drug den, 11 drug den owners/maintainers, at 11 drug den owners/maintainers, at 12 drug owners.
Ang kabuuang tinantyang market value ng mga iligal na droga na nasamsam noong linggo ay umabot sa ₱1.16 bilyon. At ito ang buod ng mga seizure ng droga:
a. 169,557.58 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu;
b. 10,250 piraso ng halaman ng marijuana;
c. 272.63 gramo ng marijuana fruiting tops; at
d. 1,000 piraso ng mga punla ng marijuana.
Kabilang sa mga kapansin-pansing nagawa ay ang pagkakakumpiska ng 86.7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱589.98 milyon sa isang interdiction operation sa Barangay Rio Hondo, Zamboanga City noong Agosto 31, 2025; ang pagkakasamsam ng 70 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱476 milyon sa interdiction operation sa loob ng bodega ng isang service courier company sa Vitas, Tondo noong Setyembre 2, 2025; at ang pagkakasamsam ng halos 11 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱74.8 milyon kasunod ng isa pang interdiction operation sa Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga noong Agosto 30, 2025.
Pinuri ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang patuloy na pagsunod ng mga Regional Offices ng Ahensya sa mga layunin ng pagpapatakbo ng sustained at intensified counter-drug operations sa buong kapuluan ayon sa utos ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. (PAUL JOHN REYES)