• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 6:40 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National gov’t, patuloy ang pakikipag-koordinasyon sa Metro Manila Mayors

TULUY-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan para mapagbasehan kung dapat na bang mag-shift ang NCR sa MGCQ mula sa GCQ.

 

Subalit, umamin si Vergeire na hindi pa kumpleto ang kanilang mga hawak na datos dahil hindi pa nakapagsusumite nito ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Pagdating din sa surveillance at contact tracing system medyo kulang pa talaga aniya ang mga cities and lone municipalities sa NCR.

 

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pakikipag-koordinasyon ng pamahalaan sa Metro Manila Mayors para matulungan ang mga ito na maging handa na sakaling luwagan na sa MGCQ ang buong Kamaynilaan. (Daris Jose)