• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National Board of Canvassers, binuo na

PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.

 

 

Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng consolidation and canvassing (CCS) laptops.

 

 

Binubuo ang NBOC ng mga komisyuner ng Comelec, na nanguna sa konsolidasyon. Ang NBOC ang magka-canvass ng mga boto at magpo-proklama ng mga magwawaging senador at party-list groups.

 

 

Pinayagan naman ang mga partido na inspeksyunin ang mga CCS laptops.

 

 

Araw-araw na magpupulong ang NBOC hanggang sa makumpleto ang canvassing. Maaaring mag-adjourn ito kung maghihintay sa pagdating ng ibang COC. Bukas naman umano ang canvassing sa publiko, base sa Comelec Resolution 10786. (Daris Jose)