NASA 500 PAMILYANG BAKWIT SA BASILAN, NANGANGAILANGAN NG TULONG
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 500 pamilya sa Tipo-Tipo, Basilan ang lumikas dahil sa sagupaan sa pagitan ng militar at armadong grupo noong nakaraang linggo.nnAyon sa report ng lokal na pamahalaan, kasalukuyang nasa mga evacuation centers ang mga residenteng naapektuhan mula sa mga barangay ng Baguindan at Bohe Piyat.nnNangangailangan ng pagkain, tubig, gamot, at mga gamit sa pansamantalang tirahan ang mga bakwit.nnNagsimula na ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang lokal na pamahalaan at ilang non-government organizations.nnNanawagan naman si Basilan Governor Jim Salliman sa karagdagang suporta mula sa national government para matugunan ang pangmatagalang pangangailangan ng mga evacuee.nnPatuloy pa rin ang military operations sa lugar para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.