NARTATEZ, ANG HENERAL NA NAGPAPAKUMBABA SA HARAP NG DIYOS
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
SA PANAHON ngayon na sinusukat ang liderato sa ranggo o kapangyarihan, bukod tangi ni PNP Chief Lt. Gen Jose Melencio Nartatez na bukod sa tahimik, may prinsipyo at higit sa lahat, may pananampalataya.
Sa Novena Mass ng Nuestra Señora del Pilar de Manila sa Sta. Cruz Parish, Maynila na pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula, nasaksahin si Chief Nartatez, isang Heneral na lumuhod sa harap ng altar, hindi bilang pinuno kundi bilang lingkod ng Diyos. Ang misa ay pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.
Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, kapag ang isang makapangyarihan ay lumuluhod at nagpakumbaba sa harap ng Diyos, itinatanghal niya hindi lang ang sarili kundi ang buong institusyong kanyang kinakatawan.
Palaging pinapaalala ni Nartatez na sa loob ng serbisyo ang disiplina at pananampalataya ay palaging magkasama.
Ayon sa PNP, sinusuportahan ni Nartatez ang mga programang nagtataguyod ng pananampalataya at kabutihan, para mapatatag ang tiwala sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.
“Ang pamumuno ay hindi lang trabaho ng isip at kamay,” sabi ni Goitia.
“Ito ay tungkulin ng puso. Si Chief Nartatez ay namumuno nang may kababaang loob at tapang na manampalataya.”
Bilang pinakamataas na opisyal ng PNP, pasan ni Nartatez ang bigat ng tungkulin at responsibilidad pero sa likod ng uniporme at ranggo, nakitaan siya na may malalaim na pananampalataya at para kay Goitia, ang pagluhod at pagpapakumbaba sa harap ng Obispo ay paalala na walang ranggo o posiyon ang mas mataas kaya sa Diyos.
Saad pa ni Goitia, “Ang pinunong may pananampalataya sa Diyos ay kailanman hindi papanig sa kasinungalingan o takot. Siya ay maglilingkod sa may tapang, integridad at para sa katotohanan.” (Gene Adsuara)