• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:44 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naramdaman din ni Carmina nang gawin sa launching movie CASSY, kinabahan sa pagbi-bathing suit sa pageant scene ng serye

KINABAHAN nga raw si Cassy Legaspi sa pagsuot niya ng bathing suit sa pageant scene sa teleserye nila na ‘Hating Kapatid.’
First time daw kasing rumampa ito sa harap ng maraming tao na naka-bathing suit. Nilakasan na lang daw ni Cassy ang loob niya para maitawid ang eksena.
“There’s a reason pala why I lose weight!” sabay tawa niya. “I like to thank everyone sa production fot boosting my confidence, especially Direk Adolf (Alix Jr.). He really pushed me to do my best in things that’s not within my comfort zone.”
Naalala tuloy namin ang first time na mag-bathing suit si Carmina Villarroel para sa pelikula nitong ‘Hindi Kita Malilimutan’ noong 1993.
Isang eksena lang yung naka-two piece bikini si Mina sa pelikula, pero naging cover yun sa lahat ng mga showbiz magazines.
Pag-alala ni Mina, akala raw ng parents niya ay magiging sexy star na siya dahil nakabalandra ang bikini photos niya sa lahat ng magazines.
“Like Cassy, kinabahan din ako noon. I was only 18 that time. But I was given lots of support by the people around me. Tsaka may tiwala ako kay Direk Joey (Reyes). Alam kong magandang lalabas yung scene na iyon.”
***
FROM TV to the big screen.
Mula sa telebisyon, mapapanood na ang inaabangang Halloween special ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” na Gabi ng Lagim sa mga sinehan.
Pangungunahan ito ng award-winning journalist na si Jessica Soho na siyang maglalahad ng mga nakaka taas-balahibong kuwentong mapapanood na bilang pelikula.
Kabilang sa main cast sina Sparkle artists Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix na magbibigay-buhay sa mga kuwentong tampok sa “KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie.” Kasama rin ang aktor na si Elijah Canlas sa mga aabangan sa movie.
Isa ang “Gabi ng Lagim” Halloween special ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa mga inaabangan ng viewers tuwing sasapit ang Undas. Wala pa ngang 24 oras ay pumalo na agad ang teaser trailer nito ng 3 million views across all platforms!
Base sa totoong buhay ang mga kuwentong itinatampok dito. Noong 2024, nag-announce ang KMJS ng call for submission para sa mga totoong kwentong katatakutan mula sa publiko para sa pagkakataong maitampok sa pelikula.
Tiyak na aabangan ito!
***
SABAY nang pag-celebrate ng 25th anniversary ng isa sa beloved American series na “Gilmore Girls” ay ang paggawad ng star on the Hollywood Walk of Fame sa bidang si Lauren Graham.
Ginampanan ni Lauren ang role na Lorelei Gilmore, a single mother raising her teenage daughter in a small town called Stars Hallow, from 2000-2007.
“This is so overwhelming and so nice. It’s so moving to see so many friends and colleagues here. I just feel so proud of the work I’ve gotten to do,” sey ng 58-year old actress and author.
Dumalo sa unveiling ng kanyang star ay ang ilang co-stars niya sa show na sina Scott Patterson, Kelly Bishop, Matt Czuchry, Yanic Truesdale, Sam Pancake at ang creator-writer ng series na si Amy Sherman-Palladino.

(RUEL J. MENDOZA)