Napansin dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Lilim’: HEAVEN, waging Best Actress sa ‘Jinseo Arigato International Film Festival’
- Published on May 27, 2025
- by @peoplesbalita

Panimula ng post ni Heaven na hindi pa rin makapaniwala, “Still in disbelief. Thank you for seeing me. Thank you for hearing me…”
Inialay niya ito sa kanyang direktor at ina… “This one’s for my director @red_mikhail @evolvestudiosph…and for my mom @luanneperalejo. We did it.”
Pagpapatuloy pa ng kanyang pasasalamat, “Thank you to the Jinseo Arigato International Film Festival for this incredible honor. To be recognized for something I love with all my heart—it means the world.
“To Boss Vic, my tatay in this industry—thank you for trusting me with this role and for always guiding me. @viva_films
“To Boss @veroniquecorpus Boss val, and Boss @mamagrace314 I offer this award to all of you. Thank you for believing in me.“
Special mention naman ang kanyang kaibigan na sumama at nagbigay ng suporta sa kanya.
“To @kimpoyfeliciano, my brother from another mother thank you for flying all the way just to be here. Your support means so much,” say pa ni Heaven.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang tagahanga…
“And to my @heavenlyangels@marven_royalsofc to all my supporters thank you for standing by me through every high and low. I carry your love with me always.“
Pinarangalan din si Direk Mikhail Red bilang Best Director para sa “Lilim.”
Congrats Heaven and Direk Mikhail!
***
NAGSAGAWA ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng isang Data Privacy Seminar kamakailan bilang parte ng pagpapalakas sa seguridad at etikal na datos na kapit ng Ahensya.
Parte rin ito ng pakikiisa ng Board sa selebrasyon ng Privacy Awareness Week tuwing huling linggo ng Mayo, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 527.
Ito ay upang mapataas ang kaalaman ng publiko at mga ahensya ng gobyerno pagdating sa data privacy at mga karapatan kaugnay dito.
Ang inisyatibong ito ng MTRCB ay bahagi rin ng pagsuporta sa misyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maisulong ang digitalisasyon at mapalakas ang digital na ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga institusyon ng pamahalaan ay responsableng pinoproseso at pinangangalagaan ang mga datos.
Binigyang-diin ni MTRCB Executive Director II Roberto C. Diciembre ang kahalagahan ng naturang pagsasanay sa direksyon ng MTRCB patungo sa interes ng mga stakeholder.
“Napakahalaga po para sa ating ahensya na tiyaking maayos, ligtas at protektado ang ating mga datos, laluna’t karamihan sa ating mga transaksyon ay may kalakip na personal at sensitibong impormasyon,” sabi ni Diciembre sa kanyang pambungad na salita.
Nananatili naman ang pangako ng MTRCB na maisulong at mapaigting ang kakayahan ng ahensya pagdating sa tamang pangangalaga ng mga personal na datos alinsunod sa mandato nitong magserbisyo sa publiko ng may integridad at katapatan.
(ROHN ROMULO)