Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows
- Published on August 17, 2023
- by @peoplesbalita
OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks.
Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions.
Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” sa TV5.
“Happy lang ako dahil gumagalaw ang industriya natin,” sabi ni Billy. “TV is back. Medyo prior to pandemic, it was hard, nung nag-pandemic, a percentage of our viewers nawala.
“So, everything was online based. Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa ‘Showtime,’ makakapunta ako sa ‘Eat Bulaga,’ kasi yun yung promotions namin para sa mga projects namin.”
Dating host si Billy ng “It’s Showtime” at umalis lamang siya in 2018, nang kinasal sila ng wife niya ngayong si Coleen Garcia na co-host din niya noon.
So, bukas ba siyang makabalik sa show?
“Well, I really have no idea, but I go where work takes me. To be honest with you, kung saan ang trabaho, doon ako.”
Masaya si Billy sa sinabi ni Atty. Felipe L. Gozon, CEO ng GMA, na “TV was over,” matapos ang historic deal for “It’s Showtime” airing on GTV na pag-aari ng GMA.
Pero naniniwala si Billy na there will always be competition kahit saan. Ang panalo dito ang mga viewers. I-enjoy lamang nila ang moment because it’s a milestone for all TV platforms.
Totohanan na nga ang pagbabalik ni Billy sa GMA Network matapos silang mai-launch nina Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at SB19 Stell Ajero, bilang coaches ng singing reality competition na “The Voice Generations,” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Masaya si Billy sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 dahil dito siya nanggaling.
“Kay Kuya Germs (German Moreno) in 1986 sa “That’s Entertainment.” I started when I was three and then at four years old, nag-“That’s Entertainment” na ako.
“So, ito na yung bahay ko, it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin1 Napakalamig pa rin sa mga studio dito sa GMA.”
Ang “The Voice Generations” ay magsisimula nang mapanood sa Sunday, August 27, 7:15 p.m. sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)