• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:02 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanghinayang na hindi nakasama si Gary sa serye: KIKO, goal na maramdaman ng viewers ang espiritu ni FPJ bilang ‘Totoy Bato’

NGAYONG Mayo, ipinagmamalaking ihandog ng TV5 ang pagbabalik ng isa sa mga kuwentong minahal ng mga Pilipino – ang Totoy Bato.

Hango ito sa obra ni Carlo J. Caparas at sa classic film na pinasikat ni Fernando Poe Jr., ang kapanapanabik na TV adaptation ay mapapanood simula May 5 sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5, kapalit ng magtatapos na Lumuhod Ka Sa Lupa.

Matapos ang matagumpay na isang taong pamamayagpag ng Lumuhod Ka Sa Lupa sa primetime, bibigyang-buhay naman ngayon ni Kiko Estrada si Totoy Bato, isang lalaking matatag at hindi matinag sa kanyang paninindigan.

Anyway, malaki ang pasasalamat ni Kiko sa TV5, sa Viva, sa direktor nila na si Direk Albert Langitan.

“This is a collaborative effort,” say ni Kiko sa media conference ng Totoy Bato noong Lunes, April 28, 2025, sa Studio 6 ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.

“This is not me. Hindi lang po ako ito. Lahat po na nandito, ang motto namin is to do simple things extraordinarily well.“That’s Lumuhod Ka Sa Lupa. “At Totoy Bato, ito po ang unang project na kadikit ang Lolo Paquito [Diaz] ko na gagawin ko.

Makakasama ni Kiko ang powerhouse cast ng Totoy Bato  na sina Bea Binene bilang si Emerald Espejo, ang kababata ni Totoy na may lihim na buhay bilang isang agent, at Diego Loyzaga bilang si Dwayne Perez, isa pang kababata na naging mortal na kaaway. Tampok din sa serye ang hanay ng mga tanyag na beteranong artista tulad nina Art Acuña, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Mark Anthony Fernandez, at Ms. Eula Valdez. May mga espesyal na pagganap din sina Joko Diaz, Tanya Garcia, Carlene Aguilar, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco. Sina Cindy Miranda, Gold Aceron, Ivan Padilla, Andrew Muhlach, Billy Villeta, Benz Sangalang, at Lester Llansang naman ang ku-kumpleto sa cast sa kanilang pagganap sa kanilang mga natatanging karakter.

Ang laking challenge nga nito sa aktor dahil magkasunod ang mga teleserye na siya ang bida.

Pati sa taping ng pagtatapos ng Lumuhod Ka Sa Lupa ay nag-overlap sa simula ng taping ng Totoy Bato.

Saad ni Kiko: “Kailangan galingan n’yong lahat. It’s a team effort.”

“My team is the best. They helped me through the transition, dun sa overlap.

“Kampante ako, at sobrang sigurado ako dahil sa team na meron ako.

“Nag-overlap po kasi ang taping namin sa Totoy Bato, tapos nag-taping pa kami ng Lumuhod, tapos bumalik po ako sa Totoy.

“You know, you take the wins, you take the losses, and kailangan mong i-appreciate yung journey.

“Kung yun yung journey ko sa Totoy Bato, then thank you. It’s the challenge that I accept,” sabi ni Kiko.

“Gusto ko lang sana… eto na ang pagkakataon, e. Ito na yung ibinigay sa akin na biyaya ng Diyos. So, I have to do my best.

“At sana, maramdaman nila yung espiritu ni FPJ, to be honest. Yun yung goal ko ngayon to be honest. Sobrang focused ko dito sa obra ni Carlo J. na ‘to.

“Gaya ng sinabi ko, kadikit po ng pamilya ko ito,” salaysay pa ni Kiko.

Inalok pala ang ama niyang si Gary Estrada na makasama sa Totoy Bato. 

“Actually, funny fact, dapat kasama si Papa dito. Sayang,” may tono na panghihinayang sa tsika ni Kiko.

Sa pagkakaalam daw niya ay talagang kasali pero hindi na raw niya alam bakit hindi ito natuloy.

“I don’t know. I really don’t know… I wish him well. Sana, sana, nagsama kami,”  saad ni Kiko.

“Pero I guess, God said that this is not destiny yet. Kasi feeling ko talaga, tinadhana akong gampanan itong role na ito.”

Sa direksyon ng Lumuhod Ka Sa Lupa director na si Albert Langitan, at sa produksyon ng MavenPro, Sari Sari Network Inc., at Studio Viva, ang Totoy Bato ay muling matutunghayan sa TV5 para itampok ang kuwento ng isang bayaning Pilipino – walang mga superpowers, walang armas, kundi ang malakas na “tibay ng paninindigan.”

Sa makabagong pagbabalik ng Totoy Bato,  muling mabibigyang buhay ang isang minahal na bayani – sa isang kwentong nag-uumapaw sa emosyon at matinding paninindigan. Huwag palampasin ang premiere ng Totoy Bato ngayong Mayo 5, 2025 – subaybayan mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 pagkatapos ng Frontline Pilipinas.

(ROHN ROMULO)