• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nangako ng transparency sa pagpapalabas ng pondo… PBBM, bineto ang P92.5B UB Unprogrammed Appropriations sa 2026 nat’l budget

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang kanyang desisyon na ibeto (veto) ang ilang items sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations (UAs) na may kabuuang P92.5 billion sa 2026 national budget na inaprubahan ng Kongreso.
Sa pagsasalita sa isinagawang pagpirma sa 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.793 trillion, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang UAs ay dapat lamang na gamitin sa ilalim ng malinaw na tinukoy na mga kondisyon, na may mga pananggalang para maiwasan ang maling paggamit.
“To ensure that public funds are expended in clear service of national interests, I vetoed several items of appropriations with their purposes and corresponding Special Provisions under the UA, totaling almost PhP92.5 billion,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Kinilala at tanggap ang suporta ng Kongreso na limitahan ang UA sa mahahalagang pangangailangan, winika ng Pangulo na mas binawasan pa niya ito sa antas na pinakamababa mula noong 2019.
“Let me be clear: the Unprogrammed Appropriations are not blank checks. We will not allow the Unprogrammed Appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending,” ang tinuran ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang UA “utilization is provided with safeguards and is only available when clearly defined triggers and tests are met and will be released only after careful validation.”
Ayon sa Pangulo, ipatutupad ang pansanggalang “without exception” upang pagsilbihan ang kapakanan ng publiko at isulong ang ‘national development goals’ ng bansa.
“We will make releases charged from the UA transparent, providing the necessary details on the funding source and the corresponding purpose,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang lahat ng kinauukulang ahensiya at departamento ng gobyerno na “to exercise prudent fiscal management to ensure uninterrupted quality public service.”
(Daris Jose)