• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM

NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti.

 

 

Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga seafarer at paano sila hihingi ng tulong at lunas mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Nauna rito, sa isang liham mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nakasaad dito na nakatakdang lagdaan ng Pangulo ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Lunes, Pebrero 26.

 

 

Tanging ang Republic Act 11981, o Tatak Pinoy Act, at Republic Act 11982, nagkakaloob ng benepisyo sa mga Octogenarians and Nonagenarians ang dalawang batas na nilagdaan ng Pangulo.

 

 

“Under further review,” ang sinabi naman ni PCO Secretary Cheloy Garafil nang tanungin kung bakit hindi nakasama ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa mga nilagdaang batas ng Pangulo.

 

 

Matatandaang sinertipikahan ng Pangulo ang batas na ito bilang urgent noong Setyembre ng nakaraang taon, naglalayon ito na tiyakin na ang mga Filipino seafarers ay patuloy na magkakaroon ng kalamangan mula sa kanilang foreign counterparts sa pamamagitan ng pagsasanay at akreditasyon.

 

 

Sakop nito ang mga Filipino seafarers “who are employed or engaged or work in any capacity onboard foreign-registered ships and Philippine-registered ships operating internationally.”

 

 

Hangad ng batas na tugunan ang kakulangan sa domestic laws vis-a-vis sa pagsunod ng bansa sa international maritime standards at rights and welfare ng mga seafarers.

 

 

“This is to address recurring deficiencies in the domestic laws pertaining to the training and accreditation of thousands of Filipino seafarers, which endanger their employment in the European market in particular, and the global maritime arena, in general,” ayon sa PCO. (Daris Jose)