Nanalong Congressman sa Manila, sinipa ng Comelec
- Published on June 20, 2025
- by @peoplesbalita
PINAWALANG -BISA ng Commission n Election (Comelec) second division ang proklamasyon ng isang nanalong kongresista ng ika-anim na distrito ng Maynila.
Sa desisyon ni Comelec Commissioner Rey Bulay kasama ang dalawa pang komisyuner, pinaboran ang petisyon ni Bienvenido Abante Jr na nagsabing hindi kwalipikado ang kanyang naging katunggali sa nasabing posisyon na si Luis ‘Joey’ Chua Uy.
Binawi ang pagkapanalo ni Uy dahil saklaw ng 1935 Constitution kung saan itinuturing siyang naturalized citizen bunag ng pagkakaroon ng dayuhang ama na kalaunan ay naging naturalized din na Pilipino.
Bunsod nito, idineklara ng Comelec 2nd division si Abante bilang nagwaging kongresista ng nasabing distrito ng Maynila para sa halalang 2025.
Ang desisyon ng Comelec en banc ay maaari pang iapela ni Uy sa nasabing tanggapan. (Gene Adsuara)