• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanahimik lang at hinayaang mamatay ang isyu…JESSY, inamin na naghiwalay sila ni LUIS ng isang buwan (ni: REY PINEDA) 

KAHIT gaano katatag ang isang relasyon, dumadaan pa rin ito sa mga pagsubok.

Ito ang inamin ni Jessy Mendiola kasama ang asawang si Luis Manzano sa isang interview.     

Naitanong sa kanila kung dumating ba sa punto na pinagdudahan nila ang tibay ng kanilang relasyon?

Walang kagatul-gatol na sinagot ito ni Jessy ng, “Yes. Naghiwalay kami ng mga one month bago kami ikasal.”

Ayon sa aktres samu’t saring emosyon ang bumalot sa kanyang pagkatao.

Panahon iyon ng COVID-19 pandemic at ng pag-shutdown ng kanilang mother studio na ABS-CBN.     

Marami ang humula noon na sila ang tinutukoy ng mga blind items na naghiwalay na couple.    

Nanatili raw silang tahimik. Pero alam nila na ilan sa followers nila ang nakahalata.     

Wala silang inamin sa publiko. Hinayaan nilang kusang mamatay ang isyu.

Magulo raw ang isip noon ni Jessy. Naguluhan siya sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Pero mula raw nang ikasal na sila at dumating na sa buhay nila si Peanut, naging maayos na raw ang lahat.

***

NAPAG-USAPAN din lang ang celebrity couple.

Kamakailan lang ay nag-post si KZ Tandingan para sa kanilang six wedding anniversary nang isang makabagbag damdaming mensahe para sa kanyang asawang si TJ Monterde.

Bale six years na silang kasal, pero eleven years na silang magkakilala.     

Ayon sa post dati raw kasi kinukuwento ni TJ sa mga kaibigan na pambayad lang sa tubig at kuryente ang ambag nito sa kanilang bahay.     

Inamin ni KZ na pinaksalan niya si TJ kahit hindi ito mayaman o matagumpay.     Pinakasalan niya ito dahil nakita niya ang puso nito, ang karakter, ang pagiging masipag sa trabaho, upang buuin ang isang buhay na puno ng pagmamahal at integridad.

At ngayon nga na nagbunga ang pagsisikap na ito ni TJ, hindi na lang daw tubig at kuryente ang ambag nito.