Nambu-bully, paparusahan ng Comelec
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
PAPARUSAHAN ng Commission on Elections ang mga nambu-bully, nagdidiskrimina sa mga kandidato at tagasuporta sa panahon ng kampanya para sa mga national local aspirants.
Sa Resolution 11116 na ipinahayag noong Miyerkules, binanggit ng poll body na ang mga gawain ng pananakot sa kababaihan at ilang sektor sa panahon ng kampanya ay maituturing na isang paglabag at maaring maging isang election offense.
Sa kabilang banda, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang guidelines ay inilabas upang matiyak na magiging patas at walang diskriminasyon ang kampanya.
Ang panahon ng kampanya para sa mga pambansang posisyon ay nagsimula noong Peb. 11 habang ang mga tumatakbo para sa mga lokal na posisyon ay magsisimula ng kanilang kampanya sa Marso 28.
Magtatapos ang campaign period sa Mayo 10.
Ipinaliwanag ni Garcia na ang pagpapalabas ng resolusyon ay bahagi ng kapangyarihan ng poll body.
Sinabi rin ni Garcia na , umaasa siyang maghahain ng kaso ang mga tao laban sa mga violators at hindi na hintayin na magsampa sila ng mga kaso ng motu propio. (Gene Adsuara)