• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakuwestiyon pa niya si Lord dahil sa mga pagsubok: ALDEN, naka-recover dahil na rin sa matinding panalangin

PWEDENG sabihin na Alden Richards’ is in a good place now.

Ibig sabihin, pagkatapos niyang maging open sa pinagdaanan niya noong 2024 na ayon nga sa kanya, though, he was not clinically diagnosed, he suffered depression.
It hits rock bottom, pero ngayon, the mere fact na nagagawa na niya itong ikuwento, pag-usapan, positibo si Alden na napaglabanan at napagtagumpayan na niya ito.
Hindi na lang pinapansin ni Alden ang mga may nasasabi pang negatibo dahil sa pag-open-up niya. Nandiyang kesyo sobrang blessed, successful nga raw niya last year to say na na-depress siya.
Sabi na lang ni Alden nang makausap namin, “Come to think of it, ngayon, kaya ko na siyang pag-usapan. From six months, nga three to four months ang recovery.
“During the recovery stage, hindi ko siya kayang pag-usapan. Ayoko siyang pag-usapan. Parang gano’n talaga. Kapag nando’n ka sa madilim na parte ng buhay mo, magsa-shutdown talaga.
Nangiti si Alden nang sabihin namin na hindi naman siya nag-shutdown. Pero sabi nga niya, siya lang siguro yung tao na magso-show-up pa rin at i-honor ang commitments niya.
Naka-recover raw siya dahil na rin sa panalangin. Pero dumating daw siya sa puntong nakuwestiyon niya si Lord at nasasabi niya na hindi na niya kaya.
“Later on, after everything, na-realize ko bakit hinayaan muna ko ni Lord sa gano’ng situwasyon. To be able to fight for myself and be strong by myself.
“I think that’s the greatest lesson at kung ire-redo, hindi ko ipagpapalit. Thankful ako na nangyari sa akin ‘yon.”
Napakarami pang magagandang sinabi, realization ni Alden na given the chance, willing siyang maibahagi, lalo na sa mga taong posibleng dumaan din sa pinagdaanan niya.
Nagustuhan naman namin yung sinabi niya na walang masamang tumulong. Pero lahat ng sobra, masama. At isa raw ito sa natutunan niya.
Sa ngayon, bukod sa pagiging host ng dance show na “Stars on the Floor” ng GMA-7, mag-a-attend din si Alden ng Da Nang International Film Festival dahil ang unang directorial film niya, kunsaan, isa rin siya sa actor at co-producer ang Myriad Film na “Out of Order” ay for competition dito.
Then eventually, mapapanood na ang pelikula sa Netflix.
***
PUNUNG-PUNO raw ng pasasalamat ang puso ni Bianca Umali dahil sa pagbibigay sa kanya ng role bilang si Sang’gre Terra.
Ni hindi na nga raw niya inakala man lang na makakasama pa siya sa Encantadia.
“Ako po, this is a dream that I never dreamt of. To be honest, I never thought that I would be part of Encantandia because I’m already part of Mulawin.
“Kaya noong inanunsiyo po sa akin ito, I am thankful and I am grateful for the trust. And I am excited for the doors that will open not just for myself but for everyone.”
Hindi rin biro ang pinagdaanan daw nilang training para sa serye. Kasama niya rin sina Faith da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda.
“Ang training po na ginawa namin para sa project na ito ay hindi rin biro. We cannot emphasize more that it’s two years of our lives creating this show and time before that, we ‘ve been training.
“To train about this, means sacrificing not just everything about us but ourselves. We sacrificed things that we wanted to do. We sacrificed the time with our loved ones. We sacrificed dreams that we put on hold dahil gusto naming ibigay lahat ng atensiyon, oras at pagod namin sa proyektong ito dahil ayaw po naming mapahiya sa Encantadiks na nag-aabang sa napakalaking mundo.”
Nararamdaman daw niya na sila na ang mga bagong Sang’gre kapag magkakasama silang apat.
“Ito po yung pinaka-powerful na pakiramdam. Meron kaming tig-isang brilyante at elemento, pero pinakamalakas pa rin kapag kumpleto at buo kami.”
Ngayong June 16, sa GMA Primetime magsisimulang mapanood ang ‘Encantadia Chronicles Sang’gre.’
(ROSE GARCIA)