Nakita silang nag-kiss in public sa NYC: KELSEY MERRITT, kumpirmadong karelasyon na si CHACE CRAWFORD
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
CONFIRMED na ang relasyon ng Filipino-American Victoria’s Secret model na si Kelsey Merritt at ng Hollywood actor na si Chace Crawford.Ayon sa People, nakitang nag-kiss in public ang VS model at Gossip Girl star sa New York City.Unang nabalita ang kanilang date sa isang coffee shop in Los Angeles. That same month ay magkasama sila na um-attend sa afterparty ng 2025 Golden Globe Awards. Bago si Kelsey, nakarelasyon ni Chace sina Shauna Sand, Ashley Greene, Carrie Underwood, Elizabeth Minett, Amanda Laine, Erin Andrews, Rachelle Goulding at Rebecca Rittenhouse.***PATULOY ang pag-restore digitally ng ABS-CBN Film Restoration sa mga classic films ng ating bansa via Sagip Pelikula campaign.Napapanood na ang mga digitally-restored films for free on YouTube para sa bagong henerasyon para ma-appreciate nila ang mga iconic stories in Philippine cinema. “Ang feeling ko nga mas may awareness na ngayon ang mga tao na itong mga lumang pelikula ay magaganda, kailangang ibalik ulit,” sey ni Leo Katigbak, head of ABS-CBN Film Restoration.“Ngayon, wala na masyadong venue para mapanood yung mga lumang pelikula. So with this initiative, and using new technology and platforms, it’s a good way to showcase the movie to a newer generation.”Kabilang sa mga na-restore na nila ay ang ‘Sa Init ng Apoy’, ‘Moral’, ‘Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?’, ‘Hindi Nahahati ang Langit’, ‘Kung Mangarap Ka’t Magising’, ‘Bad Bananas sa Puting Tabing’, at ang mga pelikula ng the late Superstar at National Artist Nora Aunor na ‘Tatlong Taong Walang Diyos’ at ‘Himala’.Na-restore din ang 1987 film na ‘Tatlong Ina, Isang Anak’ na pinagbidahan nila Nora Aunor, Gina Alajar, Celeste Legaspi, Bembol Roco, Dan Alvaro and Matet de Leon.May restored version na rin ang 1991 film na ‘Kailan Ka Magiging Akin’ na dinirek ni Chito Roño at bida sina Janice de Belen, Gabby Concepcion, Gina Alajar, Vivian Velez, Lady Lee, Carmina Villarroel at Charo Santos. Ire-restore din ang 1969 Visayan film ni Gloria Sevilla na ‘Badlis sa Kinabuhi’, pati ang mga pelikula ni National Artist Ishmael Bernal na ‘Relasyon’, ‘Broken Marriage’, ‘The Graduates’, at ‘Ito Ba Ang Ating Mga Anak?Support for Filipino classic films continues to grow, especially under the initiative led by First Lady Liza Araneta Marcos, in collaboration with the Film Development Council of the Philippines (FDCP) under the leadership of Direk Jose Javier Reyes.***INSTAGRAM official na ang relasyon ng British actress-model na si Elizabeth Hurley at American country singer na si Billy Ray Cyrus.Ang kissing pic nila on IG ang pasabog nila noong Easter Sunday.Na-meet ng 59-year old dad ni Miley Cyrus ang 63-year old na si Hurley nung gawin nila ang Christmas movie na Christmas in Paradise in 2022Na-finalize ang divorce ng “Acky-Breaky Heart” singer sa ex-wife na si Firerose (Johanna Rosie Hodges) noong August 2024. Seven months silang nagsama.Na-divorce din si Cyrus kay Tish Cyrus in 2022 after 29 years citing irreconcilable differences. Si Tish ang ina ng magkakapatid na Miley, Brandi, Trace, Braison, and Noah Cyrus.Si Hurley naman ay dating kasal sa millionaire na si Arun Nayar (2007-2011). Nakarelasyon din niya ng matagal ang British actor na si Hugh Grant at Australian criketer na si Shane Warne. May isa siyang anak na si Damian Hurley mula sa American businessman na si Steve Bing. (RUEL J. MENDOZA)