Nakalipat na sila ni Mikee sa pinagawang mansyon… ALEX, pinagkakatiwalaang endorser dahil malakas pa rin sa social media
- Published on February 10, 2026
- by @peoplesbalita
NAKAKATUWA at nakabibilib namam talaga ang suportahan sa isa’t-isa ng popular couple na sina Alex Gonzaga at Lipa, Batangas Vice Mayor Mikee Morado.
Kung full support si Alex sa political career ng mister ganoon din naman si VM Mkee na parati siyang nakasuporta sa mga project ng asawa.
Like sa nakaraang contract signing-mediacon ni Alex para sa new endorsement na Captain Calamares(owned by Mr and Mrs Jolo & Kathleen Prado). From Batangas ay bumiyahe pa sa si Mikee sa venue ng event sa Tio Pepe Resto sa Molito Lifestyle Center sa Alabang.
Nakita ng inyong columnist kung gaano kamahal ni Mikee itong si Alex also her mother in-law Mommy Pinty Gonzaga.
Nagbigay pugay rin ito sa 95 years old na Lolo Johnny ni Alex sa mother side at Uncle Jojo, na very close na sa kanila ni Alex.
By the way, talagang pinag-ipunan ni Sir Jolo na may 56 branches na ng Captain Calamares para ma-afford raw nila ang TF ni Alex.
Marami raw nagsa-suggest sa kanila na si ganitong artista at vlogger ang kunin nila, na sasapat sa kanilang budget. Pero nag-stick sila ng wife na si Kathleen sa choice nilang si Alex dahil naniniwala sila sa malakas na impluwensiya nito sa social media.
Favorite pala ng top vlogger and actress-comedianne(Alex) ang honey sriracha flavor ng ineendorsong fast growing seafood kiosk. Ilan pa sa flavor ng kanilang calamares ay classic, garlic parmesian, spicy at salted egg.
Samantala, from their condo ay nakalipat na pala sina Alex at Mikee kanilang ipinagawang mansyon sa Alabang.
Regalo ng parents ni Mikee ang lupang kinatitirikan ng bahay ng mag-asawa.
***
KAHIT namayapa na si Nora Aunor ay patuloy pa ring binibigyan ng parangal ang ating nag-iisang superstar.
Sa nakaraang 3rd Newmaker of the Year Awards, pinagkalooban ng posthumous honors si Ate Guy bilang National Artist ng bansa.
Ginanap ito last Feb. 2 sa Manila Hotel at si Ian de Leon kasama ang anak na si Jayden ang tumanggap ng award ng kaniyang Mommy Guy. Pinasalamatan ni Ian ang Manila Bulletin sa pagkilala ng mga ito sa naging ambag ng ina sa entertainment industry.
Nangako ang actor na ipagpapatuloy niya ang legacy ng kanyang Mommy Guy, kabilang na ang Nora Aunor Foundation nito na muli niyang inilunsad kasama ang ilang mga Noranians.
(PETER S. LEDESMA)