Nakakapanghinayang dahil napakahusay na aktor…BARON, hinihikayat ng asawa na humanap ng sponsor para sa pagpapa-rehab (ni: REY PINEDA)
- Published on July 24, 2026
- by Francis Paolo Torres
IBINUKING ni Jamie Evangelista, asawa ng magaling na aktor na si Baron Geisler na tila muli itong nagbabalik sa dati niyang bisyo.
Nagsimula ang isyu, ng mag-upload itong si Jamie sa kanyang Instagram account, na hinihikayat ang aktor na humanap ng sponsor para sa kanyang drug rehabilitation. Sa kasalukuyan, burado na ang nasabing account. Dahil naisapubliko na, hindi maiiwasang pag-usapan ito.
Nangangahulugan lang na hindi pa rin naaalis ang bisyo ni Baron, hanggang ngayon. Diyos ko naman! Ilang beses na ba siyang napabalitang dinala siya sa rehabilitation facility.
Dagdag pa sa post ni Jamie, para raw mabigyang solusyon at mahanap ang root cause ng mga problema ni Baron. Hindi na nadala si Baron sa kanyang mga pinagdaanan.
Nakakapanghinayang lang kasi, dahil kahit sino ang tanungin mo sa showbiz kung sino ang mga magagaling umarte, isa si Baron sa mga mababanggit.
Yun lang sana, malaking bagay yon na dapat alagaan ni Baron.
Dahil din nga sa husay niya sa pag-arte kung kaya’t kahit papano di siya nawawalan ng proyekto.
Madalas kasi siyang nasasangkot sa kung anu-anong isyu. Pati mga katrabaho niya nadadamay na yata.
Ang tanong hanggang kailan magiging pasaway si Baron?At hanggang kailan siya makakayanang pagbigyan ng kanyang mga katrabaho?
Sana lang hindi maging huli ang lahat. Dahil ang pagsisisi palaging nasa huli. Sayang si Baron. Kapag ‘di siya nagbago baka tumanda siyang walang pera at nag-iisa.