Nagulat na nag-viral at dedma na lang sa bashers: MARK, ‘di ikinahihiya ang pagsasayaw sa isang gay bar
- Published on February 4, 2025
- by Peoples Balita
SA Instagram post ng kapamilyang aktres na si Kim Chiu ay isini share niya sa mga netizen kung paano niya ipinagdiwang ang 2025 Chinese New Year.Kasama ni Kim ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.
Isiniwalat ni Kim na lumaki siya na kung saan ang Chinese New Year ay palaging isang malaking selebrasyon sa pamilya nila na hindi nila pinalalampas.
“Growing up, Chinese New Year was always a celebration my family never missed. It was a time of joy, tradition, and togetherness, where we welcomed another year with hope, prosperity, and gratitude.
“Now that I am older, I continue to uphold these traditions at home, not just for myself but to share them with the people close to me. As a Filipino-Chinese, I take pride in embracing our rich culture, from preparing lucky dishes to following customs that have been passed down through generations,” banggit pa ni Kim .
Dagdag pa rin ni Kim na lalong naging memorable at special ang Chinese New Year sa pamilya nila dahil naipamana nila sa mga younger generation ng psmilya,
“What makes this celebration even more special is being able to introduce it to my family and friends, allowing them to experience the beauty of our traditions.
Seeing them join me in welcoming the new year, trying new customs, and appreciating the beliefs that have shaped who I am fills my heart with so much gratitude. After all, we all have different beliefs, and there is no harm in celebrating something that brings positivity, abundance, and hope,” sey pa ng kapamilyang aktres.
“Surrounded by my loved ones and the people I work with behind the scenes, I am reminded that the true essence of this celebration is not just in the traditions but in the people we share it with. It’s a night of fun, gratitude, and prosperity, and I couldn’t be more thankful. Here’s to another year of blessings, good fortune, and love! Kung Hei Fat Choi! #CNY #2025.”
Kasabay din naman ng okasyon ay namimigay si Kim ng cash sa mga dumalo sa nasabing celebration.
Dinudukot niya sa bag ang cash na ipinamigay sa kanyang mga bisita.
Pero ang ikinalungkot lang ng mga KimPau ay hindi kasama sa selebrasyon ng CNY ni Kim ang ka-partner niyang si Paulo Avelino.
***
HINDI raw ikinahiya ni Mark Herras ang pagpe-perform niya sa isang gaybar.
Na kung saan muli siyang bumalik at nag-perform.
Pero bago pa bumalik si Mark sa naturang gay bar, lumabas naman ang interview ni Toni Gonzaga sa Kapuso actor sa You tube channel na Toni Talks.
Ipinagkibit-balikat na lamang ni Mark ang mga nagko-comment sa kanyang pag-perform sa Apollo Male Entertainment Bar.
“Grabe ang mga Pilipino na mag-judge ng tao e. Parang akala nila meron silang karapatan mag-judge sa buhay ng ibang tao,” pailing iling pang banggit ni Mark.
Pagkatapos mag-perform ni Mark last Jan. 10, kaagad na nag-viral agad siya at pinag-usapan sa lahat ng social media.
“And then after, like a day or two ‘yun nag-trending na siya, na parang, ‘Mark Herras, Sumayaw.’ Tapos, dumikit na ‘yung, ‘wala na kasing career kaya sumayaw sa gay bar.’
“Tas, si Manay (Lolit Solis) pa nagbitaw na ah nalulungkot daw siya kasi hindi ko raw pinipili ‘yung mga trabaho ko,” saad ni Mark.
“Siyempre nagulat ako na nag-viral siya, tapos natuwa kasi may nagde-defend. May ibang mga press na alam mo na tatawa-tawa pa habang kinukuwento. Talaga ba? Pinagtatawanan n’yo pa ako? Parang hindi naman ako humihingi ng awa, pero nasa stage ako ng buhay ko na wala akong pakialam sa mga sinasabi nila,” tuloy tuloy pang pahayag ng aktor.
Humanga at ganun na lang ang pagpuri ni Toni kay Mark na parang hindi raw nagpaapekto ang aktor sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao.
Pero alam ni Mark na mas apektado raw ay ang kanyang asawang si Nicole Donesa.
Kaya ang ginawa raw ni Mark ay sinabihan ang asawang huwag nang magbabasa ng mga hindi maganda tungkol sa kanya.
“Lagi kong sinasabi sa kanya na stop reading things na alam mong hindi maganda ‘yung magiging kalalabasan. Kasi, kami mostly nag-aaway kaming mag-asawa kapag tinatanong niya ako paulit-ulit. Ayoko kasing paulit-ulit e.” Sey pa ni Mark, na muling nag-perform sa naturang gay bar last January 31.
(JIMI C. ESCALA)