• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGTAPON NG GRANADA, INIIMBESTIGAHAN NG MPD

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng isang puting paper bag na may lamang granada at anim (6) na bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa Moriones Lunes ng hapon.

 

 

Isa umanongĀ hindi nakilalang indibidwal ang nagtapon nito sa gitna ng kalsada kaya naman inaalam na rin ng MPD-Station 2 ang mga CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 2 sa pamumuno niĀ  P/Lt.Col Magno Galora Jr, isang concerned citizen ang lumapit sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU na umiikot sa lugar at ipinagbigay alam ang nakitang puting paper bag na may lamang granada at mga bala sa island ng kahabaan ng Moriones, Tondo.

 

 

 

Agad naman itong binirepika at kinordon ang lugar kung saan positibo ang impormasyon at narekober nga ang nasabing pampasabog at bala. (GENE ADSUARA)