Nagpasalamat pa dahil nakapag-rest sa work: SHAINA, nagpapagaling na matapos tamaan ng COVID-19
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
YES, may COVID-19 pa rin taliwas sa iniisip ng ilan na tapos na ang pakikipaglaban natin sa nakapipinsalang sakit.
Ang bagong tinamaan ng coronavirus ay ang aktres na si Shaina Magdayao.
Pero nagpapagaling at nagpapalakas na si Shaina matapos mag-post sa kanyang Instagram account nito lamang January 30 at ianunsiyo na siya ay may COVID-19.
“Clarity. Distance. Some time to yourself. This is the kind of peace we all need sometimes. The kind that will give you the courage to clear your heart. Your mind. Your soul.
“Trust YOUR process. With isolation, everything you feel will sort itself out. I promise. – r.m drake,” ang caption ni Shaina sa larawan ng kanyang anino na tila nagpapahangin at nagpapaaraw sa kanyang bakuran.
Lahad pa rin ni Shaina base sa kanyang Instagram post, “Beautiful words I kept on reading and reminding my frustrated sick self during more than a week of isolation and testing positive Nevertheless, thank you, COVID, for the rest (lots of tv time too) and pause I did not ask for …..but apparently needed.”
Bago si Shaina, kamakailan lamang, nitong Disyembre, ay tinamaan rin ng virus sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Pasig City Mayor Vico Sotto, at nito lamang Enero ay nagka-COVID rin sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
***
BUKOD sa pagiging sikat na sikat na content creator ay pumasok na rin si Gavin Capinpin sa larangan ng pagne-negosyo.
Isa siya sa nagtatag at nagmamay-ari at CMO o Chief Marketing Officer ng CreaTV Management Inc. na isang influencer management company nagkokonek sa mga talentadong content creators (vloggers, bloggers, Youtubers at iba pa) at influencers sa mga brands at mga businesses o negosyo.
Nag-aalok rin ang CreaTV Management Inc. ng social media management at troubleshooting services sa mga content creators at influencers.
Napapayag raw si Gavin na maging parte ng CreaTV Management Inc. dahil, “Maganda yung vision and at the same time parang inisip ko rin what if may CreaTV na nung nagsisimula pa ako?
“Nalaman ko sana yung ganito… kasi andami kong naging violation and sa mga hindi po po nakakaaalam, kapag po nagkaroon ng violation yung page niyo, para po kayong nawala sa mundo, kung eto po’y inaasahan niyo.
“Yung isang araw po nagma-matter at hindi ka talaga makakatulog dahil yung isang araw mo walang nangyayari. Di ba po? Alam naman nating mga content creator iyan.
“At pag na-demonetize para talagang, ako po nilagnat po ako, pitong araw akong demonetize, pitong araw din akong nilalagnat. Ganun po siya ka-stressful kasi po parang mawawalan ka ng pakinabang,” lahad pa ni Gavin na mas kilala bilang Ser Geybin at kuya ng mga sikat ring content creators na sina Allen (Chief Allen) at Kelzy (Capt. Kelzy); kilala rin sila bilang Capinpin Brothers.
Ang dalawa pang partners ni Gavin (na may 8.6 million Facebook followers, 7.7 million Tiktok followers at 3.61 million Youtube subscribers) sa CreaTV Management Inc. ay ang negosyanteng si Edmar Estavillo at ang sikat na vlogger na si Norvin dela Peña na kilala bilang si Vin FPV na may 9 million Facebook followers, 1.9 million Tiktok followers at 1.08 million Youtube subscribers.
Si Norvin naman ang tumatayong COO of Chief Operating Officer ng kumpanya.
***
GAGANAPIN ngayong February 3, 2024 ang grand launch ng Bedan Response for the Development of Sports In San Beda (B Red in Sports), alas dos hanggang 2:50 ng hapon sa Pamanang Bedista Room sa San Beda University sa Mendiola sa Maynila.
Spearheaded ito ng Athletics Department ng San Beda.
(ROMMEL L. GONZALES)