NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos.
Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean national na si Kim Jeongseong, 28, at Lee Seohyeon, 24, na dumating sa NAIA Terminal 1 sakay ng Aseana Airlines flight mula Incheon, South Korea.
“They both presented bogus tourist visas and marriage certificates purportedly showing that they are married to Filipino citizens,” aypn kay Manahan. “the passengers were immediately excluded and booked on the first available flight to their port of origin” dagdag pa nito. .
Ilalagay din ang dalawa sa immigration blacklist na mga undesirable aliens at hindi na muling makakapasok sa bansa.
Sa ginawang eksaminasyon sa kanilang mga dokumneto, lumalabas na peke ang mga ito at hindi rin sila pumasa sa mga pagtatanong hinggil sa kanilang mga napangasawa na mga Filipino.
“These acts of fraud and misrepresentation will not succeed because our officers in the airports are adept in detecting spurious travel documents,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)