• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpakatotoo dahil January pa naging single: BELA, nilinaw na hindi malungkot ang break-up nila ni NORMAN

NA-APPRECIATE namin ang actress/writer/director na si Bela Padilla.
Bagama’t napapangiti at tila napaisip pa, pero nagpaka-totoo rin nang tanungin namin kung single na ba siyang muli?
“Yes, I am,” sey ni Bela.
Nilinaw naman niya agad na hindi naman daw malungkot ang break-up nila ng Italian/Swiss boyfriend na si Norman Bay.
“No, it’s not sad. Okay naman kami.”
In fact, kahit daw hiwalay na sila, dinalaw pa rin siya ng ex-boyfriend kamakailan lang sa Pilipinas.  Halos limang taon din ang itinagal ng relasyon nila.
“Pero okay lang din naman. Sabi ko nga sa pelikula ko dati, some people are just meant to just passed by.”
Mutual decision naman daw nila ni Norman ang naging break-up nila.
Kamakailan lang din nang mag-desisyon na si Bela na mag-for good na siyang muli sa bansa. Noong pandemic ay nagdesisyon siyang manirahan sa London.
Kaya tinanong namin kay Bela kung ano ang nauna, ang desisyon niyang mag-for good na sa bansa o ang paghihiwalay nila?
“Hindi, definitely one of the biggest factors was me, moving back.”
At sabi rin niya, “Hindi rin naman kami magkasama. Nasa London ako, nasa Switzerland siya. So parang nahirapan na rin ako. Although the distance is shorter, it’s still a long-distance.
“Although, dumadalaw pa siya sa shooting, itong 100 Awit Para kay Stella, nandito pa siya sa sa Pilipinas noon. Napasyalan na niya ang buong Pampanga.”
January pa raw ng taong ito ay hiwalay na sila. Kaya kinumusta siya kung handa na ba siyang mag-entertain muli ng manliligaw?
“Siguro after I finished the promo for 100 Awit Para kay Stella,” natatawang sabi niya. “Why not? I love falling in-love. I don’t think theres anything wrong with that. Kaso hindi na ko marunong mag-date ng 2025
“Kung may kilala kayo,” biro pa niya.
Sa isang banda, ang “100 Tula Para kay Stella” nila ni JC Santos ay may sequel na after almost eight years, ang “100 Awit Para kay Stella” na mapapanood na sa September 10.
***
MAS naging memorable ang kaarawan ng longtime partner ni Lian Paz na si John Cabahug dahil sa ginawang social media post ni Paolo Contis.
Binati ni Paolo, pinasalamatan at talagang pinuri ang kabaitan at siyempre, ang mga ginawa ni John para sa pagpapalaki sa dalawang anak nila ni Lian na sina Xonia at Xalene. Pinasalamatan at pinuri rin ni Paolo si Lian.
Ang kabaitan daw nito kung kaya’t bine-bless sila. So siyempre, dahil sa post na ito ni Paolo, kunsaan, may picture rin na magkakasama silang lahat, nalaman ng netizens na all’s well na pala sa pagitan ni Paolo at nina Lian, John at dalawang anak nila.
Halatang natuwa naman sina Lian at John sa ginawang ito ni Paolo. Nang hingan nga namin si Lian ng reaksyon, sinabi niya na…, “I’m happy because hindi naman ito about sa amin ni Paolo or ni John. This is all because of God and His love for us.  Only God can turn pain into joy and heal our hearts.
“I want my children to see God’s hand in everything sa buhay namin. He is constantly working in our lives and he’s writing every story. Making it a beautiful testimony.”
Isa talaga kami sa natuwa sa pagiging open na ng communication ngayon nina Paolo at Lian, lalo na sa dalawang bata.
(ROSE GARCIA)