• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpahaging sa mga ‘kalsadang tinipid’: SARAH, may simpleng banat sa pinag-uusapang korapsyon sa bansa

KAALIW ang simpleng banat ni Sarah Geronimo tungkol sa pinag-uusapang korapsyon sa Pilipinas.

Parang ito ang unang pagkakaton na nagbibigay ng opinyon ang Popstar Royalty tungkol sa mga kontrobersya na hinaharap ng ating bansa.

Ping-uusapan ngayon sa social media ang naging banat ni Sarah tungkol sa mga “kalsadang tinipid”.

Nangyari ito sa isang event para sa kanyang endorsement kasama ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Mapapanood ito sa ipinost na video ni Dra. Vicky sa social media, na kung saan makikitang nagpapaliwanag si Hayden, kung ano ang magiging epekto sa mukha ng tao ng chemical na “ceramide”.

Ayon kay Hayden, “yung ceramide, sini-seal niya ang mga butas para hindi lumalabas yung tubig.”

Bigla namang humirit si Sarah at sabay sabing, “Pero yung kalsada doon Doc hindi naa-absorb yung tubig. Kasi tinipid.”

Nagtawanan ang audience kaya nahawa na rin ang mag-asawa.

Bawi pa ng wifey ni Matteo Guidicelli, “buti na lang ang Belo products hindi tinitipid!”

Marami nga ang nagulat at hindi makapaniwala sa paglalabas ng opinyon ni Sarah sa kalat na kalat na isyu at ilan nga sa naging komento ng netizens…

“Etong Sarah ang gusto ko – yun isang SARA?! Ewan ko na lang.”

“You nailed it Sarah! Ikaw na! Louder pa!”

“Lakasan mo pa Sarah para mas marinait pa ng mga corrupt.”

“SG masyadong tumatapang hahaha, you got it Girl!”

“Ang galing naman ng segue ni Mrs. G.”

“Fearless Popstar Sarah G!”

“Top taxpayers ba naman si Queen sa mga celebrity sa ‘Pinas e.  Go Queen!”

“I love how more celebs are not afraid too talk about politics anymore.

“Bravo, Sarah! Bulleye!”

“This, 100% louder… natameme si Doc Hayden!”

“Tawang-tawa si Doc Vicki.”

Samantala, nauna nang nag-post sa X  ng saloobin ang asawa na si Matteo tungkol sa korapsyon.

Banat ni Matteo, “Post, repost, like, share. Expose it all. Good morning!”

“Real change begins with transparency, accountability, and integrity.”

(ROHN ROMULO)