• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpa-harvest at nagpa-freeze na ng eggs niya: CARLA, matagal nang pangarap na magka-anak kahit na walang asawa

MATAGAL nang pangarap ni Carla Abellana na magkaroon ng anak kaya inihanda niya ang sarili sa isang proseso na pupuwede siyang magkaroon ng anak kahit walang asawa.
Aminado ang aktres na sa ngayong 38 going 39 sa June 12 ay baka mahirapan na siyang magka-anak.
Kaya naman umamin siya sa panayam ni Julius Babao sa vlog nitong ‘Unplugged’ na nagpa-freeze na siya ng egg cells.
“Ako po ay nagpa-egg harvest and freeze.  Kung alam ko po about it, mas earlier ginawa ko ng mas maaga, ideally nasa mid to late twenties n’yo dapat gawin sa mga kababaihan po, e, ako mid-thirties ko na nalaman.
“So, basically option po ‘yan sa mga kababaihan na ang inyong egg cells po ay ipapa-harvest ninyo of course by an accredited facility/clinic (pinakita ang video) ipi-freeze po nia ‘yun (egg cells) for future purposes.
“Para kung gusto n’yo nang mag-anak or magbuntis, kung baga nasa inyo ‘yung timing at saka nila gagamitin ‘yung mga frozen na egg cells. Let’s say you are married or have a husband call n’yo po yun kung kailan ninyo gagamitin ang egg cells,”cesplika ni Carla.
Hirit naman ng mommy niyang si Gng. Rea Reyes, “Or even if you’re single (puwedeng mag-anak pa rin).
Sabi pa ni Carla, “gagamitin na ‘yung frozen eggs, gagawin ng embryo through fertilization of IVF (in vitro fertilization) puwede na po kayong magbuntis.”
Pero hindi raw naging madali ang ginawang ito ni Carla dahil bukod sa magastos ay kailangang well-rested siya pero paano kapag lagi siyang may tapings.
“Mahal po talaga ang presyo pero may ways naman po, may options naman po na hindi naman kaagad buo na ‘yung pera na pambayad.
“Dapa emotionally ready kasi meyo mahaba ang process.  There are a lot of emotions involved  tapos may hormones pang ini-inject kasi the more (iniiksyunan), the more na nati-trigger ‘yung emtions nyo.
 “Dapat open minded kayo dapat ready kayo (sa maririnig mula sa duktor) sa sasabihing, ‘ay hindi successful or wala tayong nakuhang egg cells dapat accepting kayo kung anuman ang nangyari,” pahayag pa ni Carla.
Nagsimula raw si Carla no’ng Pebrero ay may nakuhang dalawang egg cells.
“But hindi po gaanong kaganda kaya magta-try na lang ulit hangga’t hindi nape-perfect ‘yung egg cells. Kaya as much as possible na dapat mas maaga (ginawa) and you have to harvest a lot kasi sasalain pa,” kuwento ni Carla.
Hirit pa ng mommy ni Carla, “kaya hindi mo na kailangan ng asawa para magka-anak, if you’re not the marrying type you can still have children.
Sa kasalukuyan ay maraming single women na raw ang hindi pa nag-aasawa agad dahil mas prayoriad muna ang career kaya nagpapa-freeze mula sila ng kanilang egg cells.
(REGGEE BONOAN)