Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night.
Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG nitong LInggo, Enero 17 para sa pinakamataas na karangalang ginawad ng liga na ginambala ng Covid-19.
Ayon nitong Miyerkoles kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, butas ng karayom ang dinanan ng manlalaro ng alak upang manaig sa player ng Fuel Masters upang maging BPC ng 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble.
Kumolekta ng 1,640 points si Pringle kumpara sa pambato ng gasolina na naka-1,578,” para sa palugit lang ng dalawa na 62 markers.
Hinigitan nito ang panalo sa 2011 PBA Commissioner’s Cup BPC ni Jimmy Apalag ng TNT laban naman Mark Anthony Caguioa ng ng BGSM na naiwan noon ng 70 puntos. (REC)