Nagluluksa ang mga Pinoy sa pagpanaw ng Superstar at National Artist:NORA, nakatakdang gawaran ng ’State necrological services and funeral’
- Published on April 19, 2025
- by @peoplesbalita
IPINAGLUKSA ng mga Pinoy ang pagpanaw ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong Miyerkoles Santo, ika-16 ng Abril, sa edad na 71.Ipinanganak si Ate Guy na ang buong pangolin ay Nora Cabaltera Villamayor sa Iriga City noong May 21, 1953.Ikinagulat nga ng lahat nang kumpirmahin ito ng anak ng Superstar at aktor na si Ian de LeonKinabukasan, Huwebes Santo, April 17, nagsimula ang funeral rites para sa yumaong aktres at mang-aawit. Ginaganap ang burol sa Chapel 9 ng The Heritage Memorial Park sa Taguig City. Ang viewing ay para lang sa pamilya na susundan ng misa.Nauna na ngang dumalaw si Star for All Seasons Vilma Santos na lungkot na lungkot sa pagpanaw ng kanyang kamare. Kitang-kita rin ang pag-iyak niya, habang papaalis ng chapel.Biyernes Santo, April 18, ay nagdagsaan na ang mga kapamilya at mga kaibigan ni Ate Guy para makiramay.At simula sa araw na ito Sabado, April 19 at Linggo, April 20, 10 a.m. to 4 p.m. ay naglaan ng public viewing para sa kanyang mga tagahanga,At sa Lunes, April 21, mga kapamilya at mga kaibigan uli ang pwedeng bumisita at makiramay.Sa April 22, Martes, itinakda naman ang ‘state necrological services funeral’ para Ate Guy, na kung saan ihahatid ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani.Magbibigay pa ng mga detalye ang pamilya ng Superstar at National Artist tungkol dito. (ROHN ROMULO)