• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:48 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagkabalikan dahil mahal ang isa’t-isa: MILES, inamin na napag-uusapan na nila ni ELIJAH ang tungkol sa kasal 

NOVEMBER 2023 nang mapabalitang nag-break na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.
Pero March 2024 ay sinimulan nilang muling ayusin ang kanilang relasyon na umabot na ng four years.
“Sabi ko nga, hindi naman kami magkakabalikan kung hindi namin nakita yung isa’t isa.
“Kung hindi namin pinipili at minamahal ang isa’t isa,” pahayag ng aktres.
Inamin ni Miles na napag-uusapan na nila ni Elijah ang tungkol sa kasal pero hindi naman daw sila nagmamadali.
“Pareho kaming marami pang gustong gawin. Pareho pa kaming marami pang gustong patunayan sa industry.
“Alam namin na we’ll get there.
“Pero right now, ine-enjoy muna namin ang isa’t isa at trabaho.”
Nauuso man sa showbiz ang hiwalayan ay naniniwala pa rin si Miles sa long-term relationship.
“Nasa sa inyo naman iyan ng partner mo kung pareho niyong pipiliin ang isa’t-isa.
“Di ba, may mga days naman na stressed kayo pareho sa work niyo, pero kung nandiyan kayo for each other, kung pareho niyong pinipili ang isa’t isa.”
Tungkol naman sa showbiz career ni Miles, kailan lamang ay pumirma siya ng kontrata sa All Access To Artists (Triple A management) nina direk Michael Tuviera (president at CEO), Jojo Oconer (CFO at COO), at Jackie Cara (head of Operations and Sales).
Kaya ‘kapatid’ na niya sa management ang ‘Eat Bulaga!’ co-host niya na si Maine Mendoza, ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera at si Carla Abellana.
Nais ni Miles na makapagsulat ng script; graduate siya ng scriptwriting workshop ni National Artist Ricky Lee.
“Tuwing makikita ko ni Sir Ricky, napi-pressure ako,” natawang pag-amin ni Miles.
“Hindi ko nga binabalikan, pero isa iyon sa mga gusto kong gawin this year.
“Kasi, gusto ko ngang makapagsulat. Malay mo, may sarili akong pelikula, kung papayagan ako.
“Kumbaga, nandito po ako sa stage ngayon na I wanna explore. I want to collaborate with different people. Sobrang gutom kong mag-acting talaga.”
Ayon kay Ms. Cara, head of operations ng Triple A, may chance mabigyan ng pagkakataon si Miles na makapagsulat ng script, lalo na’t may APT Entertainment na sister company ng Triple A.
(ROMMEL L. GONZALES)