• February 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naghiwalay na ba sila ni Nicole?… MARK, nag-post sa IG reel na umiiyak kaya maraming nabahala

HIWALAY na ba ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa?
Pagkatapos naming makita ang ipinost na reel ni Mark sa kanyang Instagram account na umiiyak ito and obviously, may pinagdadaanan, chineck namin agad ang mga Instagram nila.

At ‘yun na, they don’t follow each others na.

So, napaka-imposible naman sigurong mag-asawa sila, bigla silang nag-unfollow.

Posible rin na dahil dito kaya umiiyak si Mark?

Ang caption ni Mark sa video n’ya ay “Kulong sa Sistema.” At napakaraming mga co-Starstrucks alumni ni Mark at iba pang artista ang nag-comment at tila pinapalakas ang loob n’ya.

Well, sana ay ‘di pang permanente kung anuman ang problema nilang mag-asawa, lalo na’t dalawa na ang anak nilang mag-asawa.

***

ANGELO mga bida ng 2025 MMFF movie na “I’mPerfect” na sina Krystel Go at Earl Amaba ay mga contract artists na ng Nathan Studio ng actress na si Sylvia Sanchez.

Hindi lamang ang dalawang bida ng movie ang mga pinapirma ng kontrata kung hindi maging ang walo pang cast na may down syndrome na sina Carl Garcia, Bea Mendoza, Royce Gian Rivera, Javi Sarmiento, Angela Batallones, Gio Dicen at Jonathan Tilos.

Ang tawag sa kanila ay mga Nathan’s Angels. Siyempre very grateful sila, maging ang kanilang mga magulang sa tiwala ni Sylvia.

Sa part ni Sylvia, alam n’ya na hindi madali ang mag-manage ng persons with disability, pero nando’n talaga siya sa gusto n’yang matulungan ang mga ito lalo na ang magkaroon ng trabaho.

Aniya, “Alam ko naman na bihira yung persons with down syndrome na limited sila na makuha sa pelikula.

“Pero hindi lang naman kasi sa loob ng Philippine cinema… hindi lang naman sa industriya natin. Kundi pati yung endorsement, pati yung job nila sa labas. Gusto ko silang ihanap ng trabaho.”

Bukod sa mga persons witg down syndrome, pumirma rin ng kontrata sa Nathan Studio si Ice Almeria na champion ng ABS CBN’s “Time to Dance.”

(ROSE GARCIA)