Nagbitiw na DPWH secretary, imbitado pa rin sa InfraComm hearing
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon, Co-Chair ng House Infrastructure Committee
na imbitado pa rin si dating Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig ng the InfraComm.
Ayon sa mambabatas, itutuloy pa rin ng komite ang sinimulan nitong inisyal na pagdinig ngayong Martes, kung saan patutuunan ng pansin ang ginawang site inspections ng pangulo sa ghost at substandard projects sa Bulacan, at undercapitalized firms na nakakuha ng bilyong pisong halaga ng in flood control contracts.
Magpapadala rin aniya ang komite ng imbitasyon sa bagong talagang DPWH Secretary Vince Dizon.
” We thank Secretary Bonoan for his service and wish him well in his future endeavors,” pahayag ni Ridon.
(Vina de Guzman)