Nag-viral na video ni Kapitana, idinulog kay Mayora
- Published on April 16, 2024
- by @peoplesbalita
PINASISILIP ng ilang residente kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang umano’y walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang Kapitana ng isang barangay sa mga kabataan sa Brgy. East Rembo.
Ito ay makaraang nag-viral ang isang video na inupload ng isang anonymous sender kung saan nagkaroon ng iringan sa pagitan ng Kapitana ang mga residente sa lugar.
Sa kanilang reklamo, dumating si Kapitana sakay ng kanyang sasakyan nang nadaanan ang mga kabataan sa tapat ng kanilang bahay.
Bumaba ang kapitana at sinita umano ang mga kabataan na imbes na pakiusapan ng maayos ay pinalayas, pinagsisigawan, pinagmumura sila kasama ng kanyang asawa at anak na lalaki na nagawa pang sugurin ang mga kabataan habang pilit na inaawat.
Puna ng ilang residente, na nagde-demand umano ito ng respeto pero siya mismo ay hindi naman niya maibigay sa kanyang mga nasasakupan.
Hiling lang sana ng mga residente lalo na ang mga nasaktan na kabataan na maging mabuting public servant si kapitana.
Sa mga komento, halos puro negatibo dahil tila hindi naaayon ang pag-asta nito bilang isang public servant na direktang sumasagot ito imbes na ayusin ito.
Nanawagan na rin ang mga nasaktang partido sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na aksyunan ang ganitong klase ng public servant.
Sa panig naman ng Kapitana, ikinatuwiran nito na respetuhin siya at makinig sa kanya ang mga kabataan.
Binigyang-diin din niya na siya ang unang bumaba sa sasakyan at unang sumugod sa mga menor de edad na nasa kalsada at hindi ang kanyang mister. GENE ADSUARA