Nag-react si Ogie at humihingi ng paliwanag: ALFRED, binabatikos dahil sa klase ng pamumulitika
- Published on February 12, 2025
- by Peoples Balita
MARAMI ang nag-react at kung anu-anong negatibong komento mula sa netizens sa aktor at Q.C. District V Councilor na si Alfred Vargas.Ito ay kaugnay sa pahayag ng mambabatas tungkol sa istilo ng mga kalaban niya sa pangangampanya.
Maski ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz ay napareak sa kumakalat na video ng konsehal.
Gustong niyang linawin ito kay Coun. Vargas sa isyu ng klase ng pamumulitika nila. Nalulungkot daw siya sa mga nababasang negative comments.
Sa Facebook post ni Ogie at sa naturang video na ibinahagi naman ng “Kilusan Kontra Korapsiyon” ay pinuna ng mga ito ang klase ng sinasabing pangangampanya umano ni Alfred.
Sa Caption pa lang ng naturang video ay nakasulat na;
“GANITO ANG MAGKAPATID NA VARGAS
KUNG PAANO MANG ALIPUSTA NG TAO
KUNG KAYA NILA GAWIN SA IBA KAYA DIN NILA GAWIN SA INYO,”
Sa isang pagtitipon kasi ay binanggit ni Alfred ang ganito na parinig sa kalaban nila ng kapatid niyang tumatakbong congressman.
“Matikas ‘di ba? Iyan ang gusto natin. Kasi kami, halimbawa, kami ni Cong. PM, ‘pag namimili kami ng amin, pinipili namin ‘yong magaganda at guwapo. Tapos kung titingnan ninyo, ‘yong mga nakukuhang leaders ng mga kalaban namin, mukhang adik.”
“Hindi, totoo ‘di ba? Saka puro may mga utang, mga nag-uuutang tapos hindi nagbabayad!”
Sabi pa niya sa isang kausap na “colonel” ay tila marami daw silang ikukulong na “adik” sa kabila.
Puro negatibo ang mga comment kay Alfred. Tanong pa ng netizens kung bakit daw dumating na raw ang aktor/pulitiko sa ganitong point ng pamumulitika?
Kumbaga hindi raw naman ganito si Alfred.
For sure may reaksiyon ng konsehal hinggil dito dahil sa mga kagaya naming kilalang-kilala ang isang Alfred Vargas ay hindi niya istilo ito.
Kaya bukas ang pahinang ito para sa kanyang magiging pahayag.
***
WALANG naging isyu sa MTRCB ang nagawang pagmumura bigla ng aktor na si John Arcilla sa guesting nito sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’.
May pinagawang eksena kasi si Kuya Boy kay John at pina-arte siya gamit ang iba’t-ibang emosyon.
Nang kunwari galit na galit, hindi napigilan ni John na makapagsalita ng “punyeta!”
Siyempre sa kabiglaan din agad namang nag-sorry si Kuya Boy at nakalimutan yata ni John live pala ‘yun.
Pinalagpas na raw ‘yun ng MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio.
Kumbaga, naunawaan daw ng ahensiya ang pagkakataon na yun.
Pero sa totoo lang may ilang shows na rin naman na ipinatawag ng MTRCB dahil sa paglabag sa ilang mga maseselang eksena.
(JIMI C. ESCALA)