• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 9:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-number 1 ang ‘Roja’ sa Top TV Show sa Netflix PH: DONNY at KYLE, sumabak sa acting workshop nina COCO at JAKE

KASING tindi ng bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri ang naging pagsalubong ng mga manonood sa action-drama seryeng “Roja” matapos itong masungkit ang unang pwesto sa listahan ng Top TV Shows sa Netflix Philippines nang ipalabas ito noong Nobyembre 21.

Nagpasalamat sina Donny, Kyle, at Maymay Entrata sa suporta ng mga Kapamilya at sa mga papuring natanggap ng serye na tungkol sa isang hostage crisis sa isang luxury resort. Ayon sa ilang komento ng netizens, swak sa kanila ang mabilisang mga plot twist at pasabog na pakikipagbakbakan ng mga bida.

“Sobrang worth it. Sobang saya. It’s like going to a set full of people that are super hungry to work. What an experience it has been so far. Gusto namin magpasalamat sa lahat ng Kapamilya na nanood,” kwento nila noong Star Magical Christmas 2025.

Samantala, todo ensayo pa rin sina Donny at Kyle para sa kanilang action scenes kung saan nakakuha sila ng tips at acting workshop mula kina Coco Martin at Jake Cuenca. Ipinasilip na rin sa unang pagkakataon sina Donny at Kyle na nakasuot ng combat gear para sa isang malaking action scene.

Para kay Donny, isa sa mga mahahalagang natutunan niya mula kina Coco at Jake ay kung paano humawak ng baril na may kasamang astig na nararapat para sa eksena.

Dagdag naman ni Kyle, “I’ve never been a part of this intense type of action. They gave us a little bit of notes and ‘yung mga kailangan namin isipin. Kahit ‘yung mismong mga stance at paano ‘yung levels of galit.”

Ipinakilala na sa unang mga episode ng “Roja” ang mga karakter nina Liam (Donny) at Olsen (Kyle), dating mag-bestfriend na naging mortal na magkaaway. Mapipilitan ang dalawa na isantabi ang kanilang alitan nang sumugod sa La Playa Roja resort ang isang grupo ng mga armadong lalaki.

Subaybayan ang maaksyong bakbakan sa “Roja” gabi-gabi ng 8:45 PM sa Netflix, iWant, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

(ROHN ROMULO)