• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-apply ng fiance visa papuntang Amerika:  CHECHE, tuluyan nang tatalikuran ang showbiz dahil mag-aasawa na

TULUYAN na palang tatalikuran ng isa sa mga orihinal na miyembro ng Sexbomb girls na si Cheche Tolentino ang showbiz at pupunta na sa Amerika.
Pahayag niya nang makausap namin sa official launch ng “MamaMo” kamakailan, “Kasi po ngayon, ako, nag-apply na ako sa fiancé visa… tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha!”
Isang Fil-Am ang kasintahan ni Cheche at doon na sila maninirahan sa Amerika matapos silang ikasal.
“Yes po.”
Aminado na mahirap para sa kanya na iwanan ang Pilipinas.
“Iyon nga po. Pero babalik-balik po tayo.”
Isa sa maaaring maging dahilan para bumalik si Cheche sa Pilipinas ay ang posibleng reunion concert ng Sexbomb group ngayong taon na ito.
Huling raket na ni Cheche sa Pilipinas ang pagiging isa sa miyembro ng “MamaMo” ang All-Mama P-pop girl group ng Surf2Sawa kasama ang kapwa niya original Sexbomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia, Jopay Paguia, kasama pa ang Kapamilya comedienne/host na si elai Cantiveros.
Dapat pala ay nasa Amerika na si Cheche pero dahil sa commitment niya sa Surf2Sawa ay idinelay niya ang pag-alis sa Pilipinas.
“Yes! Dahil mahal na mahal ko po ang Surf2Sawa mag-i-stay po ako hanggang merong event ang Surf2Sawa,” sambit pa ni Cheche.
Hindi pa ina si Cheche pero kabilang siya sa mga “moms” na kinuha upang maging celebrity endorser ng Surf2Sawa na prepaid fiber internet ng Converge.
“Of course kailangan ng internet lalo na kapag nagtitipid ka,” bulalas ni Cheche.
“Preferably ang Surf2Sawa internet, in-offer niya po ang very affordable internet, very affordable data promo and no lock in period po iyan kaya naman very important sa ating mga fur moms.”
May alagang apat na pusa si Cheche na may name na Sony, Midnight, Mini at Happy.
(ROMMEL L. GONZALES)