• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-align ang universe pati na sa playdate: MARVIN, ‘di inasahang sasakto sa Valentine’s Day ang balik-tambalan nila ni JOLINA

NATANONG si Marvin Agustin kung ano ang unang reaskyon niya noong nalaman niya na muli silang magtatambal at magbibida ni Jolina Magdangal sa pelikulang ‘Ex Ex Lovers’?
Sabi niya, “Yung comeback gustung-gusto namin gawing dalawa, yung, ‘Kailan kaya? Ano kayang pelikula?
“Tapos may mag-o-offer, tapos hindi matutuloy kasi mga schedule problems. Ito kila Tonette na pelikula na 2018 pa natin pina-plano, nag-evolve na siya nang nag-evolve na nag-evolve.
“Nandun yung willingness namin talaga gumawa ng pelikula. Tamang material lang talaga at tamang panahon.
“Kaya itong nangyari ngayon parang nag-align lang talaga yung universe, na pati playdate, na hindi namin inaasahan.
“Never namin naisip na saktong Valentine’s kami mapapalabas at binigay ito ng Diyos sa amin.
“I think iyon yung magandang kasabihan na you just have to prepare yourself for the opportunity when it comes.
“So iyon lang yung nangyari sa aming lahat, trabaho lang kami ng trabaho, nag-landing lang yung mga tamang elemento kaya nandito kami sa harapan niyo ngayon,” ang nakangiting pahayag pa ni Marvin.
Nakakaaliw naman ang sagot niya sa tanong kung ano ang nami-miss niya sa dekada nobenta na panahong sumikat ang MarJo tandem.
“Bukod sa bangs ni Jolina,” at tumawa si Marvin, “ na wala na siyang bangs ngayon, I think yung relationship na ng mga artista at ng mga press.
“Meron tayo nun lagi, Christmas party, birthdays, may visits sa mga shows namin, na siyempre ngayon with the age of social media lahat iyon nawala!
“At kaya ngayon na kapag nagkakaroon ng mediacon parang mas naa-appreciate mo na meron pa rin ganitong venues na magkakasama pa rin ang mga media at yung mga artista.”
Palabas sa mga sinehan ang ‘Ex Ex Lovers’ sa mula sa direksyon ni JP Habac, at panulat ni Kristine Gabriel.
Ang Ex Ex Lovers ay kuwento nina Joy (Jolina) at Ced (Marvin) at nina SC (Loisa Andalio) at Joey (JK Labajo).
Ang producer ng pelikula ay si Antoinette Jadaone katuwang ang Project 8 Projects, Cornerstone Entertainment at distributed locally ng Warner Bros. Pictures.
(ROMMEL L. GONZALES)