Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
PASOK na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.
Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.
Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si Cerundolo.
Nauna ng nagkampeon na sa Australian at French Open si Nadal ngayong taon.
Susunod na makakaharap nito sa second round si Ricardas Berankis ng Lithuania.