• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-miss ang aso nang ma-confine: CARLA, muntik nang magka-sepsis dahil sa kidney stones

SA wakas ay natapos na ang misteryo sa pagkaka-ospital ng ‘Widows’ War’ actress na si Carla Abellana nitong Agosto.

 

Ikinuwento ni Carla sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel (sa 24 Oras) na tatlong araw siyang namalagi sa ospital.

 

Lahad ni Carla, “Doon ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, muntik na ako mag-sepsis.

 

“So, na-confine ako for three days hanggang sa nag-beg na akong umuwi kasi na-miss ko ‘yung mga aso ko.

 

“Tsaka kailangan ko nang bumalik ng trabaho.

 

“Thankfully pinayagan naman akong umuwi.”

 

Maayos na naman ang kanyang lagay bago nagdesisyon si Carla na umuwi.

 

“Wala na yung infection, Okay na, clear na yung lab tests, X-ray, everything, so yung ano na lang talaga, ubo,” wika pa ni Carla.

 

And take note, habang nagpapagaling ay kinarir pa ni Carla na mapanood ng regular ang ‘Widows’ War.’

 

***

 

AND speaking of ‘Widows’ War’, happy kami para sa kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Talent Management dahil bagong dagdag na karakter sa serye si Rikki Mae Davao na gumaganap bilang si Rochelle o Rico.

 

Alaga ni Rams si Rikki Mae na anak sa tunay na buhay nina Ricky Davao at Jackie Lou Banco.

 

Proud member si Rikki Mae ng LGBTQIA plus community, at very happy raw siya sa kanyang first Kapuso serye.

 

Aniya, “Naa-appreciate ko nga yung pagkasulat nito kasi yung name ko nga is si Rochelle pero I really make it a point na no, I prefer Rico.

 

“So you know merong gender identity and sensitiviy which is kumbaga I would love to be a representative of that,” sinabi pa ni Rikki Mae.“When I came out as a lesbian I was in high school,” pagbabahagi ni Rikki Mae, “to my parents, yes!”

 

Kumusta; sabay ba niyang kinausap sina Jackielou at Ricky tungkol dito?

 

“Medyo sabay pero nauna lang si Mama ng konti.

 

“When I told both of them wala naman talagang isyu. Thankfully! Wala naman talagang, like hindi naman ako initsa-puwera or pinagalitan or what.

 

“Siyempre may ano lang, getting used to certain ano lang. Pero wala naman pong naging main issue or nag-away kami or something.”

 

Samantala kasama rin sa murder-mystery series sina Bea Alonzo, Tonton Gutierrez, Jean Garcia, Rita Daniela, Jeric Gonzales, Benjamin Alves, Juancho Triviño, Jackie Lou Blanco, James Graham, at marami pang iba.

 

Napapanood ang “Widows’ War” mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 8:50 p.m. sa GMA Prime.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)