• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-link lang at ginawan na ng ‘fake news’: ARRA, mariing itinanggi na sangkot sa hiwalayang PAOLO at YEN

“NO. Hard no!”
Ito ang sagot ni Arra San Agustin sa issue na may kinalaman daw siya sa hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos.
Ayon sa Kapuso actress, noong 2023 pa raw nagsimula ang pagkaka-link niya kay Paolo noong magkasama sila sa noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’ (dating Eat Bulaga).
Binigyan daw ng malisya yung love triangle skit nila sa show kasama si Kapuso comedian Betong Sumaya.
“‘Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw ‘yung third party, so nag-start po ‘yan last year. Tapos for some reason, nag-resurface po siya, itong news na ‘to, and fake news, fake ‘yung source, dun po siya galing and I don’t know why karamihan sa mga tao naniniwala,” paliwanag ni Arra.
Mensahe ni Arra na huwag agad maniwala sa mga lumalabas na fake news sa social media.
“We can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo. They draw conclusions like, ‘Hay ba’t ganiyan, ba’t ganiyan ‘yung ginawa, ba’t pumayag kang maging third party?’ Ganun ‘yung mga comments nila sa ‘kin. Parang ako, ‘Wow, you know too much,'” sey ni Arra.
Dahil na rin kasi single din si Arra since 2022 kaya nali-link siya kay Paolo. Pero nag-uusap na raw ulit sila ng ex-boyfriend niyang PBA player na si Juami Tiongson.
***
PAGPASOK ng 2025 ay bumalik sa Instagram si Meghan Markle.
Unang post ng Duchess of Sussex sa pagbalik niya sa IG ay isang reel na tumatakbo siya sa beach at sinulat niya ang “2025” sa buhangin.
Si Prince Harry ang kumuha ng video ni Meghan sa Montecito, California.
Pina-shut down kay Meghan ang personal at professional Instagram accounts niya noong nagde-date pa lang sila ni Harry in 2017.
Nearing 1 million na ang followers ni Meghan sa pagbalik nito sa IG at magkakaroon siya ng sariling lifestyle show sa Netflix.
(RUEL J. MENDOZA)