• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MUNICIPAL COUNCILOR AT 2 PANG HIGH VALUE TARGET, NASAKOTE NG PDEA

MATAGUMPAY na naisagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 10 (PDEA RO-10), katuwang ang mga law enforcement agencies, ang sabay-sabay na pagpapatupad ng search warrant sa tatlong magkahiwalay na lokasyon sa Munisipyo ng Magsaysay, Misamis Oriental, Setyembre 15, 2025.
Sa kabuuan, ang operasyon ay humantong sa pagkakasamsam ng malaking halaga ng iligal na droga na umaabot sa halos Isang Milyong piso. Dagdag pa ang nasabing pagpapatupad ng search warrant ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na sangkot sa illegal drug trade sa lugar.
Kinilala ni PDEA Regional Director Alex M. Tablate ang mga naarestong indibidwal na ito, sa tatlong 3 magkahiwalay na lokasyon tulad ng sumusunod:
Location 1: Purok 1, Mauswagon, Barangay Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental, nagresulta sa pagkakaaresto kay alias “Mic Mic”, male, 38yrs. old, married, resident of Purok 1, Mauswagon, Barangay Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental.
Humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam, na tinatayang may street value na ₱136,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Lokasyon 2: Purok 5, Artadi, Magsaysay, Misamis Oriental, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “ALPIMS”, male, 48yrs. old, married, residente ng Purok 5, Brgy Artadi, Magsaysay, Misamis Oriental.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 110 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na ₱748,000.00.
Lokasyon 3: Purok 1, Candiis, Magsaysay, Misamis Oriental, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang alyas “Coy Ubs”, 49yrs. old, male, married, Municipal Councilor, at residente ng Purok 1, Candiis, Magsaysay, Misamis Oriental.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na ₱34,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng RA 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng sabay-sabay na operasyon ngayon ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pinagsama-samang pagsisikap ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa paglaban sa iligal na droga at itinatampok ang patuloy na pagsisikap ng PDEA na matiyak ang isang komunidad na walang iligal na droga. (PAUL JOHN REYES)