• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:38 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling nagluksa ang Philippine showbiz: Award-winning film director na si MIKE DE LEON, pumanaw sa edad na 78

MULING nagluksa ang Philippine showbiz dahil sa pagpanaw ng award-winning film director na si Mike de Leon sa edad na 78.

Kabilang si Direk Mike sa mga naging direktor during the second Golden Age of Philippine Cinema noong ’70s kunsaan nakasabayan niya ang mga yumao ng mga direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Celso Ad Castillo, Marilou Diaz-Abaya, Mario O’Hara, Maryo J. delos Reyes, Romy Suzara, Augusto Buenaventura, Emmanuel Borlaza at Danny Zialcita.

Tanging sina Laurice Guillen at Lupita Kashiwahara na lang ang buhay na ka-batch ni Direk Mike.

Kontrobersyal at may malalalim na mensahe ang mga pelikula nita tulad ng Itim, Kisapmata, Sister Stella L, Batch ’81 at Bayaning Third World. Gumawa rin siya ng commercial films tulad ng Kung Mangarap Ka’t Magising, Kakaba-Kaba Ka Ba? at Hindi Nahahati Ang Langit.

Nakatrabaho niya sina Vilma Santos, Christopher de Leon, Hilda Koronel, Jay Ilagan, Vic Silayan, Charo Santos, Charito Solis, Lorna Tolentino, Ricky Davao, Johnny Delgado, Gloria Romero, Mark Gil, Dina Bonnevie, Edu Manzano, APO Hiking Society, Joel Torre at iba pa.

Huling pelikulang ginawa niya ay Citizen Jake na bida ang GMA broadcast journalist na si Atom Araullo.

Nagwagi ng 15 awards si Direk Mike, kabilang ang best director mula sa Film Academy of the Philippines, Gawad Urian, at Metro Manila Film Festival.

“Mike De Leon shone a light on the beauty and pain of the downtrodden and repressed, bringing their stories to the cultural forefront,” post ni Direk Joey Reyes na chairman din ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

(RUEL J. MENDOZA)