• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:21 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling itatampok ng Puregold ang talentong Pinoy: Pagbabalik ng ‘Nasa Atin ang Panalo’, mas pinalaki at pinabongga

MULING itatampok ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangako nitong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay.
Nagbabalik ang Nasa Atin Ang Panalo na mas pinalaki at pinabongga.
May mga bagong miyembro ang pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.
Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating, at hindi-mapapantayang enerhiya. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng “Bang,” “Boomerang,” “Limitless”—at ang pinakabago, “Pa-Pa-Pa-Palaban.”
Inilabas ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang  Puregold, ang “Pagpili,” noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumilo nang buong tapang at ipagmalaki ang pinili.
Samantala, naglabas naman ng kantang “Sari-Saring Kwento” si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyal na pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper din na si Flow G.  Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng paniguradong tatama sa mga Pilipinong tagapakinig.
Kasama rin sa Nasa Atin Ang Panalo ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakaka-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang “Kaya Mo” music video sa Hunyo 12, sa Araw ng Kalayaan, upang ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Pilipina.
Nasa Atin Ang Panalo has evolved into something more purposeful than a campaign. It’s now a crusade—one that celebrates the strength, dreams, and talents of Filipinos,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Through this platform, we hope to showcase our homegrown artists and inspire Puregold members and customers as they relish original panalo music on a world-class stage.”
Dapat nang markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili ng Puregold ang Hulyo 5, 2025 sa kanilang mga kalendaryo, ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa Puregold OPMCON 2025. Mapapanood dito ang pagtatanghal ng mga musikerong katambal ng Puregold—SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Ito na ang pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon, isang gabi ng musika at talentong Pinoy.
Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa Mayo 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.
Abangan ang mga update sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph on TikTok.
(ROHN ROMULO)