Mukhang umatake na naman ang sakit niya… LANI, sumablay nang kantahin ang kanyang signature song
- Published on February 18, 2026
- by @peoplesbalita
VIRAL hanggang ngayon sa buong California ang guesting ni Lani Misalucha sa concert ng Star A Million male finalist sa Nocturne Theatre sa Glendale, California. Naging sintunado kasi ang ating Ate Lani sa sariling kanta nito na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”
As in, nahuhuli pa siyang sabayan ang banda na tumutugtog sa kanyang performance.
Sa video na ipinadala sa aming messenger ng kababayan sa US, mapapanood na sa awa ng crowd, ay sinabayan na lang nila sa pagkanta si Lani.
Infairness alam ng mga sumabay ang lyrics ng hit song na ito ng Asia’s Nightingle.
Paano yan may concert pa naman si Ate Lani sa The Atrium Cagayan De Oro, City ngayong April 18, 2026?
Sana maging maayos na at nasa kondisyon na ang boses ng international singer at baka pag-walkout-an siya ng audience.
Baka inatake lang kasi ng kanyang sakit si Ate Lani, na in-admit niya sa national TV na minsan kapag umaatake ito ay hindi niya madinig ang kanyang boses at nagkaka-vocal slip siya.
Well, we hope na sana ay gumaling na ito.