MPD DIRECTOR, NAG-INSPEKSIYON SA MANILA NORTH CEMETERY
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-INSPEKSIYON sa Manila North Cemetery (MNC) si MPD Director Police Brig General Leo Francisco isang linggo bago ang pansamantalang pagsasara nito sa Oct.29
Sa kanyang pag-iikot, nagpaalala si Francisco sa mga magulang na huwag nang magsama ng mga bata sa sementeryo kapag sila ay dadalaw sa mga yumao.
Aniya hindi rin naman papasukin ang mga bata dahil ipinagbabawal pa ang menor de edad na lumabas alinsunod sa IATF maliban na lamang kung essential o para sa outdoor exercises
Muli ring nagpaalala si Francisco sa mga nagbabalak bumisita sa sementeryo na huwag nang tangkain pang magdala ng matatalas na bagay at mga posibleng pagmulan ng pagliyab , gamit sa pagsugal at sound system
Ang lahat ng ito ay kukumpiskahin lamang kapag pumasok sa sementeryo at hindi na mababawi pa
Nakahanda na rin naman ang MPD sa inaasahang pagdagsa ng mga dalaw simula ngayong hapon hanggang sa pagsasara ng mga sementeryo sa Oct 29. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)