• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio PeƱones Jr, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista, kasama ang lima pa sa ilalim pangangasiwa ni SIDMS Chief P/Cpt Robin Santos ng manhunt operation kontra wanted person.

 

 

Hindi na naapalag ang akusado nang arestuhin ng mga operatiba ng WSS sa kahabaan ng A. Pablo Street, Barangay Karuhatan, dakong alas-4:20 ng hapon.

 

 

Ani Lt Bautista, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 171, noong April 7, 1999 para sa kasong Arson.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Valenzuela police sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person na pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)