Most wanted na magnanakaw sa QC, nasilo ng NPD sa Bulacan
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang mahigit dalawang taong pagtatago ng 42-anyos na Most Wanted Person na akusado sa kasong pagnanakaw sa Quezon City nang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa lalawigan ng Bulacan.nnInatasan ni NPD District Director P/BGEN. Josefino Ligan si P/Capt. Romel Caburog, hepe ng Intelligence Group (IG) na samahan ang mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station-10 sa pagdakip sa akusado nang makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan nito.nnDakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng mga tauhan ng NPD ang bahay ng akusado sa Expansion II, Heroes Ville 1, San Jose Del Monte, Bulacan, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Evangeline C. Castillo Marigomen ng Branch 101 noon pang Abril 3, 2023 para sa kasong Robbery.nnBukod sa ginawang koordinasyon ng NPD sa lokal na kapulisan ng San Jose Del Monte at barangay, gumamit din ang mga pulis ng alternative recording device upang mai-rekord ang ginawa nilang pagdakip sa akusado.nnAyon kay BGEN. Ligan, naglaan ang hukuman ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado, na nakapiit ngayon sa Camarin Police Sub-Station 10, habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Quezon City Jail. (Richard Mesa)