Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG
- Published on October 20, 2023
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang Commander ng Presidential Security Group (PSG).
Pinalitan ni Morales sa puwesto si Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang Commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines, ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Communication Secretary Cheloy Garafil.
Si Morales ay nagsilbi bilang deputy wing commander ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ng PAF na nakabase sa Davao City.
Habang si Zagala naman ay nagmula sa pamilya na may pamana ng militar, may tatlong henerasyon mula sa kanyang lolo na si Col. Ramon Zagala, at ama na si Maj. Gen. Rafael Zagala. (Daris Jose)