MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’
- Published on August 29, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “Libreng Sakay” sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes.
Sa isinagawang actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya ng 7 bus at dalawang military truck para ibyahe ang mga mananakay mula Doña Carmen hanggang Welcome Rotonda.
“The ‘libreng sakay’ program in Commonwealth is expected to benefit 500 to 600 passengers per day and we are mulling to continue it until December this year,” ayon kay Dimayuga.
Ang libreng sakay na nagsimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang 11 ng umaga at 1:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ay available sa lahat ng mga mananakay sa lugar mula araw ng Lunes hanggang Biyernes.
Pinasalamatan naman ni City Mayor Joy Belmonte, ang MMDA para sa nasabing program, na para sa kanya ay malaking tulong lalo na sa mga estudyante na bumi-byahe araw-araw.
“I am very happy that transportation agencies are working hand in hand with the local government in easing the burden of the commuting public,” ayon kay Belmonte.
“The MMDA has penalized the private contractor of the MRT-7 project construction westbound of Commonwealth Avenue, particularly in Commonwealth Market, after its girder launch caused gridlock in the area on Thursday,” ayon kay Dimayuga. (Daris Jose)