Miting de abanse sa Pandacan, dinumog ng Manilenyo: SAM, labis-labis ang pasasalamat kay RHIAN at sa mga sumuporta
- Published on May 10, 2025
- by @peoplesbalita
MALAKI ang pasasalamat ni Sam Verzosa na tumatakbong Mayor ng Maynila, sa kanyang girlfriend na si Rhian Ramos sa walang katapusan nitong suporta habang nangangampanya.
Sa kanyang Facebook post mababasa ang mensahe niya…
“Thank you boo Rhian Ramos, kahit Bumuhos ang ulan, Buhos din ang Pagmamahal mo sa mga Manilenyo 😍❤️
“salamat sa pagbisita mo sakin dito sa mga Caucus ko. 👌🏼 madami kang napasayang mga kababayan ko ☺️”
Dinagsa naman ng supporters ang rally ni SV para sa taga-Sampaloc na ginanap sa Plaza Noli, ang lugar na kanyang kinalakihan, kaya naman damang-dama niya ang pagmamahal at suporta.
Ayon pa sa post ni SV, “Maraming salamat po muli sa walang humpay na suporta ng ating mga kababayan. Ilang araw na lang at election na, ipanalo po natin ang kinabukasan ng ating lungsod ng #MAYNILA.
“Ang panalo pong ito ay para sa bawat Manileñong nagnanais ng kaginhawaan sa buhay.
“Pagbabago at Malinis na Gobyerno. Para sa Bagong Maynila💫
#11SaBalota #SamVerzosaManila #SVManila 🧡🧡🧡 (three orange hearts icon)
Biyernes nang gabi, Mayo 9, ginanap ang ‘Team SV Grand Gathering’ sa Labores Extension, Zone 93, Pandacan, Manila, na kung saan muling nagbigay saya ang dynamic duo ng ‘Eat Bulaga’ na sina Wally Bayola at Jose Manalo, kasama pa ang special guests na nakisaya rin sa naturang pagtitipon.
Muling dinumog ng mga supporters na taga-District 6 ng Maynila si SV. Kaya naman nag-uumapaw ang kaligayahan ni Sam, na game na game pa rin at hindi nagpaparamdam ng kapaguran kahit namamaos na, dahil buong araw nang nag-house to house sa iba’t-ibang lugar.
Wish lang namin na sana ay ipakita rin nila ang mainit na suporta kay SV sa Lunes, Mayo 12, Araw ng Halalan. (ROHN ROMULO)